^

Kutob

Setyembre 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang imposible sa grasya ng posib­leng Manlilikha.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Masaya ang romansa. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Huwag patangay sa bugso ng damdamin. Maging maparaan sa pakikitungo sa mga kasambahay. Iwasan ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Madaling matugunan ang suliranin kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 35, 37 at corn yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Pag-ukulan ng pansin ang lumalabong samahan sa kasambahay o katrabaho. Makakaasa sa tapat na kaibigan na handang tumulong. Maging maingat sa kilos at pananalita nang hindi makasakit ng damdamin ng iba. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya kung may dadaluhan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 39 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Higit na magugustuhan ang pamamalagi sa tahanan. Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasan ang magalit. Makakamit ang hangarin ngayon kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin dahil ito ay magbibigay suliranin sa kalaunan. Maging  tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina sa sarili. May pagkakataon na makakabili ng mga bagay na hindi gaanong kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 35, 40, 42 at gold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang maging emosyonal sapagkat sisirain ang magandang suwerte mo ngayon. Maging mahinahon at iwasan ang maging magagalitin. Makakatulong ang ilang mga tapat na kaibigan sa anumang kakailanganin. Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 7, 27, 31, 40 at ruby red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Matutupad at maibibigay ang isang matagal nang naipangako. Iwasan ang gumawa ng mga bagay na ikasasakit ng damdamin ng iba. Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang sa pinansyal ang dadaluhang sosyalan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 34 at chinese red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama ng pagiging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin o tawad. Malalantad ang magandang pagkakataon sa hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Paghandaan at huwag paalpasin ang magandang pagkakataong darating. May ibubungang tagumpay ang kasalukuyang ginagawa. Ang pakikisalamuhang sosyal ay mag-iiwan ng karanasan na hindi makakalimutan. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 26, 39 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat sa anumang ginagawa. Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkamalikot. Iwasan ang tukso ng karangyaan. Ang hinihintay at pinananabikang balita ay malamang darating. May hindi sukat akalain na mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 40, 42 at purple.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Isang old friend ang magi-greet sa iyo ng happy birthday. Mula sa pagkakamali, ito ay leksiyon  upang hindi na maulit ang pangyayari. Ang karanasan ay mabisang guro sa pagtuwid ng pagkakamaling nagawa. Sikaping maging maagap sa pagtupad ng gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 31, 38 at peach.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Poproblemahin ang suliranin ng isang kaibigan. Pinansiyal o pag-ibig ang siyang ilalapit o ihihingi ng tulong mula sa iyo. Kung may tiwala sa sariling kakayahan, walang dahilan para hindi makakita ng magandang paraan sa pag-aayos ng gusot. Ang paggawa sa loob at sa kapaligiran ng tahanan ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at emerald green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang malapit na kamag-anak ang tatawag o lalapit upang hu­mingi ng tulong. Isang pagsubok ang magaganap na kailanganin ang karunungan, talino at pag-iingat. Ang suliraning pampamilya ay madaling malulutas. Maayos ang magiging takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 27, 41 at violet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with