^

Kutob

Setyembre 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Marami pa akong dapat malaman at mapag-aralan. Ang lahat ay magagawa kong matutunan sa kaloob na ispiritu ng mapagmalasakit kong Manlilikha.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Taglayin ang pag-iingat sa paglalakad nang hindi madapa o matisod. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Bagong pag-ibig ang gigising sa damdamin. Simulan ang pag-iimpok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na ibig isagawa ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at golden brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Hindi gaanong magiging abala subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos. Manindigan sa sariling prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Kailangan ang pagsasaayos ng mga gugugulin. Magiging abala sa mga gawain. Dapat makiisa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at red orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla sa kilos at damdamin. Dahil sa kasiglahang taglay, anumang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot palagi ang pagkakamali kaya’t konsentrasyon ang kailangan sa bawat gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Isang kaanak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit sa iyo. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakaroon ng malakas na kamalayan na maging maagap sa lahat ng bagay. Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kakailanganin. May mga gastusin na kakaharapin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at old rose.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang maging mainitin ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Kailangan ang pag-iingat sa paggugol para may maitabi sa kakailanganin sa hinaharap. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 29, 37 at bone white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging kasiya-siya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aalaga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magkakaroon ng surprise birthday party. Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang pagsasamang magkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon magbigay ng tulong sa kaibigang nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER (Hunyo 2- Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kakailanganin. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikaping magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakatagpo ng bagong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang nakaraang mga suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with