^

Kutob

Setyembre 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ko man naiintindihan ang bawat pangyayari sa buhay ko, buo ang tiwala ko sa tapat na Manlilikha ko. Alam ko ang laan Niya ay pawang sa  aking ikabubuti.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Gulong-gulo ka na sa kaiisip kung ano ba ang dapat gawin sa relasyong napasukan. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya mo at nagnanais ka nang sumuko. Anuman ang maging  pasya at kung sa tingin ay walang nangyayari sa relasyon, walang masama kung putulin na ito hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang proyekto na hahamon sa iyong talento ang darating. Kapag natapos ito, maaaring ang kikitain ay makakadagdag sa iyong aspetong pinansyal. Lahat ng nalalaman ay tiyak na magagamit sa proyektong ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tuluyan nang mawawala sa iyo ang minamahal at hindi maiiwasang sisihin ang sarili. Kung sana ay napahalagahan mo siya, hindi ito mangyayari. Ngayon mo mapapatunayan ang halaga niya sa buhay mo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Walang problema sa pera. Maayos din ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Ene­ro 19) – Mapapalapit ng husto sa isa’t isa kung malalaman ang nilalaman ng inyong damdamin. Magiging makulay at masaya ang takbo ng relasyon at hindi kinakailangang magsayang ng pera kundi sa simpleng pagpapakita lamang ng pag-aalala at pagkalinga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at golden brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maraming gagawin pero kailangan na rin ang pahinga. Hindi makakabuti kung magpapatuloy sa mga gawain. Isang kasambahay ang maglalambing sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. Medyo may kaunti lamang na hindi pagkakaunawaang namumuo sa tahanan pero hindi ka naman direktang kasali. Subukang ayusin ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malamang isang kaibigan ang magyayang umuwi sa kanilang probinsya at sasama ka. Anuman ang gagawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi maiiwasan ang argumento pero maiiwasan ang mapaaway. Huwag na lamang patulan ang mga argumentong nagsisimula lamang sa simpleng hindi pagkakaintindihan. Umiwas sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para sa pagkakamali kaya kung may mga bagay na kailangang pag­desisyunan, gawin na ito ngayon. Masarap kang kasama ngayong araw dahil kahit saan ay puwedeng yayain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa mga ginagawa. Tiyaking hindi ito labag sa kagandahang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Siguraduhin din ang mga ginagawa ay yaong nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33, at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang napakagandang balita ang darating sa iyo na halos ipamalita ito sa lahat ng maaaring pagsabihan. Huwag kalimutan na lakipan ng pag-iingat ang lahat ng iyong ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at gold.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with