^

Kutob

Setyembre 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Higit sa plano ko ang plano ng Manlilikha­ ko. Maganap nawa sa akin ang lahat, ayon sa kalooban­ Niya.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang nararam­damang sakit sa kasalukuyan ay mapapawi rin. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky  numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin siya ng masinsinan nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Naka­ka­dismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, buhay pinansyal o buhay pag-ibig. Anuman ito, huwag hayaang makaapekto nang husto sa sarili. Malalampasan din ito. Nasa tabi lamang ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –Hindi kailangan maging magarbo o magastos para lamang matiyak na magiging maganda ang impres­yon ng tao. Maging natural lamang, sapat na iyon para maka­kuha ng kaibigan. Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik sa sarili ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 44 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Magpa­ramdam sa mga taong nagnanais na makausap ka. Ang pagiging mapagbigay ang tanging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Iwasan ang maging masungit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Hayaan ang sarili na maramdaman ang sarap ng tagumpay. Unti-unti ay makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararam­daman. Maging malambing. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag masyadong maging magastos kahit pa may pera dahil isa sa mga araw na darating ay tiyak na may pagka­kagastusan na napakaimportante. Mabuti na laging may na­itatagong pera para sakaling kailanganin, mayroon kang ma­dudukot. Lucky number at color for the day ay 17, 24, 39, 4 at sky blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kailangan nang mamili kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado sa iyo ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin o puwede ring ang kasintahan ay niyayaya ka nang pakasal. Tiyakin na ang pagpapasya ay ginamitan din ng puso at hindi lamang ng utak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at off-white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi naman tiyak sa sarili kung iyon nga ba ang nais. Ang paggawa ng desisyon­ ay hindi minamadali at lalong hindi basta-basta. Alalahanin na ito ay pinag-iisipan ng husto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Pakawalan ang sarili at hahangaan ng marami. Manatiling mapagkumbaba at huwag hayaang umusbong ang yabang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang ma­ging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis sa iyo ang lahat ng nakapaligid. Kung ano ang nais ay huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikasira mo. Bawat kilos, tiyakin na ang pabor ay nasa iyong panig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Hayaang maging ma­laya ang minamahal. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mag-alala, ang kapalit nito ay walang hanggang kaligayahan at tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with