^

Kutob

Setyembre 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Dahil makatarungan ang Maykapal na nagmamalasakit sa akin nang tapat.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at red.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre  23) – Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Nasa magandang pakiramdam upang tapusin ang lahat ng trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at payapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Panaigin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang sariling kapakanan. Iwasan ang anumang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at red.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa anumang bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May pagkakataong mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsilbing aral. Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung panay positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 42 at neon green.

ARIES (Marso 21- Abril  19) – Taglay ang pambihirang talas ng pag-iisip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makatatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawang makumbinsi kahit na makulit at makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang ibig malaman tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

GEMINI (Mayo  21-Hunyo 21) – Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-alinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang ­Aries ang makikilala ngayon, tiyak makakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o pinansyal. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at ruby red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban, mahalaga ang pagtitiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang anumang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with