^

Kutob

Setyembre 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang bawat sandali sa buhay ay biyayang walang kapantay. Purihin ang mabuting Manlilikha na nagkakaloob ng lahat ng kabutihan sa sanlibutan.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Isipin lagi na may kakayahang pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sari­ling kamay pa rin ang kontrol sa maraming bagay. Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang itong pag-ibayuhin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at ocean blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Mahalagang magplano at isipin ang gagawin nang maiwasan ang pagkasayang ng mga oportunidad. Huwag magmadali kung sa tingin ay may mga magagandang oportunidad na dumating. Kung alam ang tamang paraan tungo sa tagumpay, mararating iyon. Palawakin ang kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung may mga bagay na hindi alam, pag-aralan ito nang matutunan. Hindi man lubusang maintindihan, mahalagang kahit kaunti ay may nalalaman ka. Kung nais magtagumpay, matutong makilaro sa hamon ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga kaya o hindi naiintindihan nang lubusan. Ang mga ginagawa ay hindi sadyang kailangan. Nagsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay mo ay nakasalalay sa iyong mga positibong katangian at hindi sa iyong mga kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi, malalaman na lang sa bandang huli na marami ka palang sinayang at binalewala. Kung hindi mo man nais ang nasa sa iyo, pilitin itong magustuhan sa pagtingin sa mga mabuting maidudulot nito sa halip na hindi ito pansinin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at silver.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero 18) – Sa pag-ibig, dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaking muling magpapatibok ng puso. Lahat ng nais gawin ay ipagpatuloy dahil ang pagpupursige sa isang bagay ay magkakaroon ng katuparan at tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag agad susuko. Maging mapagtimpi sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Alalahaning hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ng isang tao ay nakukuha sa isang araw lang. Kadalasan, nahihirapan muna bago maabot ang nais. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at gold.

ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Magtiwala lang na anuman ang mangyari, makakarating pa rin sa nais na patunguhan. Maraming daan patungo sa landas ng tagumpay pero ang nag-iisang daan na sadyang inilaan, ang siya pang kinatatakutang puntahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag masyadong naka-focus sa isang bagay, nababalewala na ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Ang resulta, nasisira o nawawala na ang mga ito nang hindi napapansin. Huwag ng hintaying mawala ito nang tuluyan bago mapagtanto ang kahalagahan ng mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at olive green.

GEMINI (Mayo  21-Hunyo 21) – Makakakilala ng mga tao na sa kalaunan ay magdaragdag ng kasiyahan sa buhay. Sila rin ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ikonsidera ang iba pang bagay na maaaring makatulong para sa ikatutupad ng mga pangarap. Lahat ng ginagawa ngayon ay nakatuon sa iisang bagay, ang pagkamit sa iyong pangarap. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at white.

LEO (Hulyo23-Agosto 22) – Huwag laging kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang isang bulkang sumabog. Panatilihing nasa ayos ang mga bagay, positibo ang pananaw dahil magugulat na lamang kung paano ito nakatulong sa mahalagang pagbabago sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at flaming red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with