^

Kutob

Setyembre 2, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang laman ng puso ay malalaman sa mga salitang lumalabas sa bibig. Kaya mag-iingat sa pagsasalita nang hindi maipahamak ang sariling gawa.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at susolusyunan. Ayaw mo ng harapin ang ilang bagay subalit oras na at kailangan na talaga itong harapin ngayon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan at hayaan lamang ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 30, 40 at sapphire blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sa ayaw mo man o sa gusto, kailangan nang magsimulang kumilos. Oras na para balikan ang mga iniwang trabaho. Bagama’t tinatamad pa matutuwa na rin kapag nakitang unti-unting natatapos ang trabaho. Sapat na ang inilaang araw sa pagsasaya at pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 34, 39 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod ang sarili. Kung gugustuhin, maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 43 at neon green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi naman dapat pag-aksayahan ng oras. Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Masyadong malayo ang iniisip mo ngayon. Mahalagang malaman na dapat magpokus sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi sa kung anu-ano lang. Mahihirapang makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isip. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 28 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mahihirapan kung sasarilihin lamang ang nalalaman. Kung nahihirapang gumawa ng desisyon, makakabuting humingi ng payo sa isang malapit na kaibigan kaysa pinipilit ang sarili sa hindi naman kaya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 39 at baby pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Marami ang maghahanap at magnanais na sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan na malaki ang magagawa bilang miyembro ng grupo. Mararamdaman ang kahalagahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 21, 34, 40, 44 at golden brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag magsimulang gumawa ng panibagong proyekto kung hindi rin lang tapos ang nasimulan na. Ihanda ang sarili sa anumang problema na maaaring dumating. Tiyakin na nasa ayos at nabibigyang halaga ang lahat dahil maaaring malayo o mawala ito nang hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 18, 23 at red ruby.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Huwag nang lumayo ng tingin. Baka hindi lang napapansin dahil hindi ito ang inaakala o hindi sa lugar na inaasahan ito makikita. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 37, 45 at peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi masama ang magsaya pero huwag kalilimutang may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaising mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa pumasok ngayon. Makabubuting maghanda na sa pagpasok. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 30, 37 at golden yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –Isipin na anuman ang mangyari, mananatiling matatag at hindi basta-basta susuko. Masyadong magiging negatibo ka ngayon kung mag-iisip na kahit maganda ang araw, mananatiling nababahala at iniisip na may hindi magandang mangyayari. Maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 24, 32 at purple.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Makakabuting magmasid muna, pag-aralan ang mga nangyayari at saka magpahayag ng sariling opinyon. Huwag agad magbibigay ng reaksiyon sa mga nangyayari sa paligid. Huwag gumaya sa iba dahil malamang na mawala ang sariling identity. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 15 at sky blue.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with