^

Kutob

Agosto 31, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Masagana, masaya at maganda ang buhay ko ngayon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magiging masaya ang susunod na mga araw pero nakakalungkot sabihin na ngayon ay may problema ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 32, 41 at yellow. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isip na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung magkakatuluyan kayo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 37 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Huwag mainis kung maging makulit ang mga taong nakapaligid, dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag magwaldas ng pera sa walang kabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 29, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung na­ging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 38 at light blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa bawat araw na nagdaraan nakakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Kung naga-apply, lakarin at may malaking pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 33, 41 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Palipasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ka ng isang bagay na kabibiliban ng marami. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 28, 33 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay mawawalan siya ng tiwala. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumang­gap ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 29, 36 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kap­wa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma- hold-up. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang ta­nging paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, malamang makakarating sa kaalaman ng kasintahan ang pakikipagrelasyon sa iba. May paliwanag kang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 40 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 35, 42 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at panga­ngailangan masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo ma­kikilala kung sino ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isiping mabuti ang mga dapat gawing hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong pabigla-bigla. Pag-isipan ang kalalabasan ng gagawin kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 26, 37 at italic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with