^

Kutob

Agost 29, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Postibong bagay lang ang papayagan kong mamutawi sa aking labi. Dahil hangad ko ang pagpapala para sa lahat.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasang magbitiw ng marahas na salita na makakasugat ng damdamin. Huwag asahan ang tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal, dahil mailap ang mga ito sa’yo ngayon. Magsikap at magtiyaga para makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 18, 35 at light blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung suporta ang kailangan, ngayon mo makakamit ang full support ng iyong boss, kaibigan, minamahal o mga magulang. Huwag nang lumayo sa paghahanap dahil ang kailangan ay nasa malapit o nasa tabi lamang. Ibuka ang mga mata at talasan ang pakikinig upang ang hinahanap ay makita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 17, 24 at cobalt blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging pabaya ka ngayon kaya para makatiyak na hindi magkakamali, siguraduhin ang buong detalye ng anumang gawain bago magsimula. Kung hindi ka mag-iingat, makakagawa ka ng kamalian na iyong pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay. 6, 7, 13, 20 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sikapin na maging maagap sa lahat ng bagay. Dahil wala kang mapapala kung malapagong ang iyong mga pagkilos. Kung maagap, mahahanapan ng solusyon ang problema sa mga magulang ay walang sagabal na malulutas ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 22, 36 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang kaun­ting suliranin sa tahanan ay magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Subalit kung pagtutuunan ng pansin ay may kalutasan naman. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip para walang masaktan. Mahihingian ng payo ang matalik na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at ivory cream.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao at ngayon ito mapapasakamay. Malamang may magandang offer ang mapapa sa iyo tungkol sa trabaho o negosyo. Malamang may magandang proposal na siyang magiging daan ng pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May daan na malutas ang bagay na gumugulo sa isipan, kung hindi magpadalus-dalos ng desisyon. May pagkakataon na maisaayos ang taglay na sulirann. Huwag patangay sa emosyon dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 33, 34 at dollar green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa kaunting suliranin na ikaw ay iiyak at magmumukmok na lamang, at walang gagawin. Nothing is impossible under the heat of the sun, ika nga. Kaya kung kikilos at hahanapin ang solusyon sa problema, tiyak makikita ang tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung pag-uukulan ng tamang pagsisikap ang kasalukuyang trabaho, walang dahilan para hindi matamo ang pag-unlad. Kung papatulan mo ang tsismis na iyong maririnig, tiyak masasangkot ka sa gulo na dapat sana ay maiwasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 20, 33 at garnet red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Malaking bagay ang magagawa ng pagtitiwala, kaya huwag abusuhin ang anumang tiwala na ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang ibinigay ng kapwa ay dapat lamang suklian ng buong katapatan. Isang lihim ang matutuklasan at malamang mawala ang pagtitiwala. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 35 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Tumpak ang panahon sa madaling paghanap ng solusyon sa anumang suliranin. Kaya kung may taglay na suliranin, may solusyon ito ngayon. Madali mong mahihikayat ang mga tao sa iyong paligid sa anumang gustuhin. Posibleng may matatanggap na balita. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang magiging problema sa tahanan gayundin sa trabaho o pinapasukan. Magiging maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang tungkol sa negosyo. Makulay at masaya ang romansa kung iiwasan ang magselos. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 22, 33 at purple.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with