^

Kutob

Agosto 28, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang katotohanan ang kakapitan ko. Namatay at muling nabuhay ang Manlilikha ng mundo para makamit ng lahat ang payapa at mabibiyang buhay.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magiging arugante at iiral ang iyong pagkamasungit at dahil dito, malamang magkaroon kayo ng tampuhan ng mahal mo. Kung magkakaroon ng self control, maiiwa­san ang sigalot. Iwasan na bigyan ng panahon ang tsismis dahil magmumula rito ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 31, 44, 45 at strawberry red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang ugaling “saka na” ay walang kabutihang ibibigay. Magiging makakalimutin ka ngayon kaya kung ano ang binabalak gawin, umpisahan kaagad at tiyak may resulta. Kung magiging pabaya, malamang may mawawalang bagay dahil nakalimutan. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 9, 6, 11, 17 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Kung may balak na maglakbay, ituloy dahil posi­tibo ang resulta lalo na kung tungkol sa negosyo o personal. Iwasan ang makihalubilo sa mga kaibigan dahil ikaw ang magiging paksa ng kantiyawan at tukso, may posibilidad na ikagalit o ikapikon ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 21, 35 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung anuman ang ginagawa, tutukan ito at tiyak matatapos ng walang sagabal at malaki ang pakinabang. Iwa­san ang anumang ispekulasyon dahil walang mangyayari sa ganitong attitude. Iwasan ang magbakasakali dahil negatibo ang mangyayari. Magpakatotoo at sabihin ang tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 33, 42 at pearl white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang tensiyon­ tungkol sa pag-ibig ay maaaring su­mulpot anumang oras sa araw na ito. Maging mahinahon sa pagpapaliwanag ng panig para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Ang pag-a­ayos ng gusot sa nakaraan ay inaayu­nan ng pa­nahon. Maaaring makasagap ng magandang ideya na siyang magagamit para magkaroon ng extra income. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 21, 35 at garnet red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Iwasan ang magsamantala at tiyak doble-doble ang karmang kabayaran. Magiging malakas ang iyong karisma sa mga tao at kung hihingi ng tulong ay tiyak hindi mapapahindian. Hindi mabibigo kung may transaksyong gagawin sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 21, 32 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kumunsulta sa doktor kung may karamdaman. Ipagpaliban ang binabalak na lakarin dahil mabibigo lamang. Hangga’t maaari, iwasan ang lumabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan para ma­iwasan ang hindi kanais-nais na mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 32 at lavender.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mahalaga ang pang-unawa sa minamahal dahil magiging mainitin ang ulo at magiging masungit. Bigyan ng pahiwatig ang minamahal, kasambahay, kaibigan o mga kasamahan sa ayaw at gusto kung hindi masabi ng direkta. Ang pagiging ismarte ay mahalaga sa paglutas ng suliranin na siyang magagamit ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 29, 38 at blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Mahihirapan kang iwasan ang maging emosyonal subalit dapat itong paglabanan dahil sa tawag ng situwasyon. Ang mababang enerhiya ng katawan ang siyang magbibigay ng katamlayan sa trabaho. Tamang diet at pahinga ng katawan ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 39, 42 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang sinumang kausap ay handang makinig subalit maraming pagtutol ang iyong matatamo. Ang career at reputasyon ang siyang magi­ging pangunahin sa’yo. Ihanda ang sarili dahil may taong susubok sa kakayahan mo. Huwag mabahala dahil ang katuwiran ang magwawagi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 35, 39, 40 at flame red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Alalahanin ang alta pres­yon kaya iwasan ang magka­tensyon. Kahit malakas ang iyong ener­hiya, manghihina ka sa magaganap dahil hindi mo sukat akalain ang mang­yayari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 35 at cannary yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang kamalian ng iba ay malamang maibintang sa iyo o vise versa ang mangyayari. Kaya ito ang dapat mong paghandaan sa araw na ito. Kung walang magaganap na ganitong pangyayari, tiyak magiging maligaya at maaliwalas ang iyong buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 17, 33 at tangerine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with