^

Kutob

Agosto 26, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging may paraan ang Maykapal para mairaos nang matiwasay ang bawat araw ko. Salamat sa kabutihan ng Manlilikha ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Nababagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na maka­tagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Aries o Capricorn ang makikilala, hahantong sa pang-matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kahit masakit sa kalooban, paglabanan at pigilan ang sarili sa gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Dapat lamang unahin ang kailangan ng tahanan bago ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakikipaghuntahan o tatamarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kaila­ngan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Magiging mapusok ka at kung hindi mapaglalabanan, malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan sa sarili. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging masuwerte ka sa anumang uri ng negosyo kapag nakapagsimula ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer. Kung gaano ka kasuwerte sa negosyo, ngayon kabaligtaran naman ang mga pangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pakikiisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat itong samantalahin ngayon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Panahon na upang humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pa­ngunahin sa isipan at kung gusto ay mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos kaagad at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang gawaing hindi nagawa o napansin noon ay may daan na matapos ngayon. Magi­ging malakas ang magneto nang pakikipagsapalaran, subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan upang hindi magsisi sa bandang huli. Ang panahon nang pagre-relax ay nababagay upang makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat at dapat harapin nang buong tatag. Anumang desisyon ang ginawa, tama man o mali ay dapat panindigan at panagutan. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin nang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil puno ng kamandag at magiging mabagsik ang Leo sa araw na ito. Iwasan ang magbiro at makantiyaw na tao upang malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with