^

Kutob

Agosto 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Anuman ang mangyari, may mapagmalasakit na Manlilikha nag-iingat sa akin. Siya ang agarang tulong ko sa lahat nang pagkakataon.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Tungkulin ang sumunod sa nakakataas. Magiging masungit at makasarili na dapat iwasan. Matutong magtimpi ng damdamin at maging mahinahon sa anumang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at silver gray.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Walang magi­ging sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Samahan ng dalangin ang gagawing pagtatapat para positibong makamit ang minimithi. Malamang magkaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red rose.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may makatagpong tao na sasalu­ngat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob sapagkat nakataya ang pang sariling kapakanan. Mahaba ang iyong pasensiya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit kaya hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 41 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Makakatagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipong dadaluhan. Iwasan ang mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Lucky numbers at color for the day ay 18, 36, 34, 30 at peach.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging matalas ang iyong kaisipan, kaya madaling matuto sa anumang bagay lalo na kung leksiyon sa paaralan. Kung paglalaanan ng panahon ang pag-aaral, tiyak makakamit ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Angkin mo ngayon ang lakas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may malaking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi napapanahon para baguhin ang dating mga binabalak. Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maganda ang panahon sa pakikipagsundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao, ang pagpapatawad ay maka-Diyos. Araw ni Kupido sa mga Aries kaya kung tungkol sa pag-ibig, walang kasing saya at ligaya ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ngayon ang pagkakataon na maipakita ang kakayahan at katalinuhan sa trabaho. Kahit gaano kahirap ang buhay kung paiiralin ang sipag at tiyaga ay makakaahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Ang mga katulong sa pamamahay ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pag-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa tao maging sa mga kapuspalad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Mapaghinala ang kasintahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatagong bagay. Ang tipanan sa pag-ibig o date ay hindi maganda at dapat ipagpaliban sa ibang araw. Magi­ging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ikaw ang maliit na nakakapuwing. Ikaw rin ang maliit na makakaisip sa daigdig. Iwasan na magkaroon ng alitan at tiyak hindi ka papatalo kahit wala sa katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at white and blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with