^

Kutob

Agosto 24, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang hindi magagawa ng tao ay garantisadong magagawa ng Manlilikha mo. Kung magagawa mo lang magtiwala, mararanasan mo ang tunay Niyang kapangyarihan.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Masamang balita dahil malamang may mabuong hinala sa isipan ang minamahal. Kung anuman ang itinatago, tiyakin na hindi madiskubre dahil ito ang pagsisimulan ng malaking gulo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at beige.               

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang kagipitang mangyayari ay malaking pagkakataon para mailantad ang likas na talino, bagay na dapat pasalamatan dahil tuluyan nang magagamit. May mga hindi inaasahang pangyayari ang gagana. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at mint green.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May mga dahilan na magiging malungkutin ka ngayon kaya ang nararapat ay hanapin ang paraan upang pasiglahin ang sarili. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na mawawala ay may kapalit na doble kung ipapanalangin na makatulong ito sa nakakuha o nakapulot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 26, 34 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang bukas na komunikasyon ay maglalandas ng kaunlaran subalit kung palaging sarado ito, kawalan ang matatamo. Nang dahil walang balita sa bawat isa, huwag magtaka kung ikaw ay napalitan na ng iba. Huwag mawalan ng pag-asa sa iyong mga pagfollow-up dahil kung may tiyaga, may matatamo ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 42 at dollar green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nasa gitna ka ngayon ng tungkulin o pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat at hindi ka magkakamali. Anumang desisyon ang gagawin, kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 23, 40 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi ba may kasabihan na kung ano ang ginawa mo ay siya rin ang gagawin sa iyo? Kaya huwag magtaka kung may iilang tao o bata na walang galang sa iyo. Panahon na nang pagbabago sa masamang ugali na taglay mo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 29, 34, 37 at baby pink.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Medyo wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala ka sa emosyon ay lalong lalala. Magpasalamat ka dahil sa tulong ng signos madali kang makakahagilap ng solusyon kung ito ay iyong tututukan. Magiging mabilis ang positive response kung naka-focus. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagkainip ay magkakaroon ng kasagutan sa pagdating ng isang malapit na kaibigan o kamag-anak. Ngayon mo sundin kung ano ang dikta ng iyong pag-iisip at damdamin; at tiyak tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Medyo nakakaligtaan mo na iparamdam o ipadama sa minamahal o mga minamahal ang iyong concern sa kanya o kanila, kaya ngayon ang tamang panahon upang gawin ito. Kung may alitan sa nakaraan, ngayon ang tamang panahon upang ayusin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang pagiging presko ay maghahatid ng maraming samaan ng loob, baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang mga inaakalang kamaliang nagawa o ginagawa kung sisimulang baguhin, ito ay babaybay sa tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Huwag mag-alinla­ngan na ipakita ang kanilang inaasahan mula sa iyo, dahil magdaragdag ito ng respeto sa sarili at lalong mapagtitibay ang bigkis ng harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 26, 41 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ipinapayong maging kalmado at mahinahon ka ngayon dahil makakasagupa ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo at alalahanin ang sakit sa puso o alta presyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan at pagsisisi ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with