^

Kutob

Agosto 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pagsunod ay pagtitiwala. Ang pagtitiwala ay bunga ng pagkakakilala ng lubos. Paigtingin ang pagkilala sa iyong Manlilikha sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang buhay na salita.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magiging malakas ang iyong tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Malamang mang­hihiram sa iyo ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak. Subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago ka mabayaran. Huwag malito sa anumang payong ma­ririnig at ang dapat ay pag-aralan nang mabuti bago mag­desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at old rose.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magiging maki­tid ang iyong isip ngayon kaya iwasan ang maging­ pikon at madaling pag-iinit ng ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Ang pagri-relax o pamamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang anu­mang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan upang maiwasan ang anumang hindi magandang mangyayari. Iwasan ang anumang sosyalan. Pag-aralan ang anumang kasulatan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat itong ipagpaliban sa ibang araw. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magtatagumpay sa nilalakad kung gagawin sa umaga­. Subalit kung lalakarin sa hapon, ipagpaliban dahil kapalpakan ang matatamo. Magaan ang pasok ng negosyo. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagan­dang balita na matatanggap. Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang taha­nan ay mapagtutuunan ng pansin ngayon. Hinahon ang kailangang pairalin nang walang masaktan na damdamin. Magiging mainitin ang iyong ulo sa mga kagulu­hang makikita. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at light green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawing pagbabago ngunit mahi­hirapang mag-paliwanag sa kinauukulan. Iwasan ang makipagsisihan dahil wala itong ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at bur­gundy.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyasong mangyayari. Hinahon sa anumang bagay ang kaila­ngan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging mapaghinala at selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Bigyang pansin at was­tong pangangalaga ang kalusugan at medyo nakakaligtaan na. Malamang may mag-aalok na trabaho subalit dapat pag-isipan nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Tawag ng panahon upang iwasan ang mga kaibigan sa turing lamang at wala sa gawa. Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan nakikilala. Good news dahil may balita kang matatanggap na makapagbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magandang balita dahil handa mong harapin ang anuman ngayon, dahil sa taglay na kasiglahan. Masayahin ka ngayon at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipinapakita. Madali kang malapitan ng kahit sino. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba hangga’t hindi kumukunsulta sa iyo. Ang suliraning taglay ay may kalutasan kung ito ay pagsisikapan ngayon. Simulan agad ang anumang binabalak at may positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with