^

Kutob

Agosto 21, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang katapatan ng Maykapal ang sandigan ko, na anuman ang karanasang lalantad ay para sa aking ikabubuti.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon ang suliraning kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Maaasahan ngayon ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maaaring maitanggi ang pagtulong sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinat­nan. Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa salapi. Huwag mangutang o magpautang ng pera dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.             

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Nang dahil sa suliraning taglay, hindi magiging angkop ang pagwawalang bahala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok upang may madudukot kung kakailanganin sa hinaharap. Sa walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Magtataglay ng maliwanag at mabungang kaisipan. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang anumang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang anumang uri ng proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong magaganap ngayon na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at garnet red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang pagsasabi ng tapat ay nagpapatunay ng katapatan. Maaaring may matinding pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mayaman ang guni-guni na mapakikinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Matatapos ang gawaing nasimulan na walang hadlang at abala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralang mabuti. May pagkakataon na ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Kailan man ang pagmamadali sa pagpapasya ay maglalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang komplikasyon tungkol sa salapi sa mga nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili na walang halaga at masasangkot lamang sa ‘di pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at  aqua blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi dapat magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang mabilis na pagseselos ang siyang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at sun yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyang halaga. Kailangan ang pag-iingat at pagtitipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with