^

Kutob

Agosto 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang biyaya ng Maykapal. Ang negosyong para sa akin ay ipagkakaloob sa perpektong pagkakataon. Aasa sa tapat na Manlilikha ko.

LEO (Hulyo23-Agosto22) – Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod ang sarili. Kung gugustuhin maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 43 at neon green.

VIRGO (Agosto23-Setyembre23) – Sa ayaw man o sa gusto, kailangan nang magsimulang kumilos. Oras na para balikan ang mga iniwang trabaho. Bagama’t tinatamad pa, matutuwa na rin kapag nakitang unti-unting natatapos ang trabaho. Sapat na ang inilaang araw sa pagsasaya at pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 34, 39 at lavender.          

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) – Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at susulusyunan. Ayaw mo nang harapin ang ilang bagay o problemang darating, subalit kailangan talaga itong harapin ngayon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan at hayaan lamang ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 30, 40 at sapphire blue.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) – Makakabu­ting magmasid muna, pag-aralan ang mga nangyayari at saka magpahayag ng sariling opinyon. Huwag agad magbibigay ng reaksiyon sa mga nangyayari sa paligid. Huwag gumaya sa iba dahil malamang na mawala ang sariling identity. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 15 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre21) – Isipin na anuman ang mangyari nananatiling matatag at hindi basta-basta susuko. Masyadong magiging negatibo ka ngayon kung mag-iisip na kahit maganda ang araw, nababahala ka pa rin at iniisip na may hindi magandang mangyayari. Maging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 24, 32 at purple.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) – Hindi masama ang magsaya pero huwag kalilimutang may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaising mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan, kaysa pumasok ngayon. Makabubuting maghanda na sa pagpasok. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 30, 37 at golden yellow.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero18) – Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na, huwag nang lumayo ng tingin. Baka hindi lang napapansin dahil hindi ito ang inaakala o hindi sa lugar na inaasahang makita. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 37, 45 at peach.

PISCES (Pebrero19-Marso20) – Huwag magsisimulang gumawa ng panibagong proyekto kung hindi rin lang tapos ang nasimulan. Ihanda ang sarili sa anumang problemang maaaring dumating. Tiyaking nasa ayos at nabibigyang halaga ang lahat dahil maaaring malayo o mawala ito nang hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 18, 23 at red ruby.

ARIES (Marso21- Abril19) – Marami ang maghaha­nap at magnanais na sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Naniniwala ang mga kasamahang malaki ang magagawa bilang miyembro ng grupo. Mararamdaman ang kahalagahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 21, 34, 40, 44 at golden brown.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – Mahihirapan kung sasarilihin lamang ang nalalaman. Kung nahihirapang gumawa ng desisyon, makakabuting humingi ng payo sa isang malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili sa hindi naman kaya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 39 at baby pink.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) – Masyadong malayo ang iniisip mo ngayon. Mahalagang malaman na dapat magpukos sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano. Mahihirapang makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isip. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 28 at maroon.

CANCER (Hunyo22-Hulyo22) – Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay nang sarili lamang ang inaasahan. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi naman dapat pag-aksayahan ng oras. Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with