^

Kutob

Agosto 19, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang sakit o karamdaman ang hindi mapapaga­ling ng Dakilang Manlilikha. Siya ang pinagmumulan ng himala noon, ngayon at magpakailan man.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maaliwalas, mabu­nga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Madaling pakitu­nguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban, mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang anumang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala ngayon, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o hihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Taglay ang pambihirang talas ng pag-iisip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawang makumbinsi kahit na ang makulit at makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang ibig malaman tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May pagkakataong mabalikan sa isip ang mga nakalipas, na nagsilbing aral. Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na dapat maulit. May kaunlaran kung panay positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa anumang bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Taglayin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang sariling kapakanan. Iwasan ang anumang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan upang tapusin ang lahat ng trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang hatid nang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at payapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with