^

Kutob

Agosto 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging may dakilang hangarin ang Maykapal sa anumang pinahihintulutan Niyang maganap sa buhay ko. Nagtitiwala ako sa perpektong pag-ibig Niya.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging maaliwalas ang araw. Maluwag ang panahon sa pamamasyal o paglalakad. Kaya lang, huwag magmalabis sa paggastos. Iwasan ang magyabang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mananaig sa isipan na tila walang patutunguhan ang buhay pero hindi dapat mag-isip ng negatibo. Suriin kung ano ba talaga ang kulang sa ginagawa at mapagtatanto na may dapat kang baguhin para umunlad. Habang may buhay ay may pag-asa. Baguhin ang inaakalang dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 24, 39 at purple.  

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpapalito sa isipan. Kung pag-aaralan ang mga bagay na dapat malaman, walang magi­ging dahilan na ito ay hindi matutuhan. Ngayon mo dapat pag-aralan ang dapat malaman, estudyante o nagtatrabaho ka man. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at biege.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malaki ang tiwala mo sa sarili ngayon na makaya ang lahat dahil sa angkin ang energy of prosperity. Positibo ang iyong pag-iisip kaya ang mahirap sa iba ay easy lamang sa iyo. Kung patuloy mong tataglayin ang ganitong attitude, nasa unahan lamang ang iyong kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung nagkaroon ng hindi magandang karanasan, dapat kalimutan ito at isipin na isang aral na hindi na dapat maulit. Mabilis ang kaunlaran kung palaging magaan ang kalooban at palaging positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue sapphire.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang katamaran ay siyang maghahari sa iyo ngayon, na dapat paglabanan dahil hihilain ka pababa kaysa ikaw ay tulungang umangat. Ang obligasyon sa trabaho o tahanan ay dapat gampanan nang taos pusong pagkilos. Huwag magkunwari  dahil dinadaya mo lamang ang iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at light green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Good news dahil nakatakda ang malaking pagbabagong mangyayari sa buhay, kung patuloy na magsisikap. Makakasagupa ng kaunting balakid subalit kaya itong paglabanan kung laging positibo ang pananaw sa unahan. Sa ganitong attitude, hindi mapipigilan nang kahit anong unos at bagyo ang pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magandang balita ang mapapa sa’yo. Ito ay maaaring may kinalaman sa bagong trabaho, bagong impormasyon o tungkol sa negosyo. Anuman ito, isa lang ang tiyak, magandang hinaharap ang nakatakda para sa iyo. Magiging maaliwas at maligaya ang pakiramdam sa buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 36 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak ang kay tagal nang nagnanais na makausap ka subalit lagi mong iniiwasan. Anuman ang dahilan ng pag-iwas, makakabuting kausapin na siya. Walang mangyayari kung patuloy na magkikimkim ng sama ng loob sa taong nagpapakumbaba na. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream o white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mag-alala dahil ang mahal ay mananatiling tapat. Kung may gustong sabihin, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita ay matututunan niya itong tanggapin. Gayundin, gaano man kasaya ang hatid mo, asahang mas doble pa ang kasiyahang madarama niya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at baby pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Nagbubunga na ang lahat nang pinaghirapan, hintayin na lamang ang pagpitas dito. Magiging maganda ang takbo ng buhay ngayon kaysa nitong mga nagdaang buwan, kaya ipagpatuloy ang pagsisikap. Simulan ang pag-iipon upang hindi na muling magipit sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at cannary yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mapaglalaan mo ng panahon ang iyong sarili na siya namang kailangan. Hindi makakabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kaila­ngang paminsan-minsan ay lumalabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with