^

Kutob

Agosto 16, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Wala akong hindi magagawa sa kalakasang kalooban ng Maykapal.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Hindi magandang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Anuman ito, huwag hayaang makaapekto ng husto sa sarili dahil malalampasan din ito. Nasa tabi lamang ang solusyon sa sariling suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 24, 35 at maroon.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan ang sinisinta nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.             

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang kakaibang nararamdaman sa katawan ay dahil sa pagbabago ng panahon. Ngunit pinapayong bigyang pansin ang kalusugan upang hindi lumala at tuluyang magkasakit. Kung maliksi ang pakiramdam, ang paglalakbay ay inaayunan ng panahon. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng signos. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung ikaw ay nagseselos, insecured ka lamang. Ang mabisang gawin ay ipakita ang taos-pusong pagmamahal sa gawa at hindi panay salita. Ang maging maalalahanin ay number one upang mapamahal ka. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magbibigay ka ng sakit ng ulo sa kapwa na dapat iwasan. Kung wala kang self-control, may mga taong maiinis o magagalit sa iyo. Ang dapat mong gawin ay huwag magpadalus-dalos sa pag­sasalita at maging sa paggawa. Pairalin ang pagkamahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Tandaan na iiral ang iyong pagkamayabang ngayon na dapat mong iwasan. dahil kaka­inisan ka ng nakikinig. Ang pagpapakumbaba at pagi­ging maginoo ay hahatak ng respeto sa iyong pagkatao. Ang kayabangan ay aani ng pagkukutya ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magiging padalus-dalos ka ngayon. Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak sa sarili kung iyon nga ba ang nais. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali at lalong hindi basta-basta. Alalahanin na ito ay pinag-iisipan ng husto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kailangan na ang mamili, ang magpasya kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado sa iyo ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin o puwede ring ang kasintahan ay yayain ka nang pakasal. Tiyakin na ang pagpapasya ay ginamitan ng puso at pag-iisip. Ang usaping pag-ibig ay ginagamitan ng puso, damdamin at utak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at almond yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag ga­anong maging magastos kahit pa may pera. Dahil isa sa mga araw na darating ay tiyak na may pagkakagastusan kang napaka-importanteng bagay. Mabuti nang laging may naitagong pera para sakaling kailanganin, mayroon kang madudukot. Mag­tipid at simulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at sky blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hayaan ang sarili na maramdaman ang sarap ng tagumpay. Unti-unti ay makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing at maalalahanin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung gusto mong makausap ang taong nahihiyang lumapit sa’yo, dapat unahan mo nang batiin o kausa­pin. Ang maging mapagbigay at maunawain ang ta­nging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Iwasan ang maging masungit dahil lalayo ang grasya at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi ka­ilangan na maging magarbo o magastos para lamang matiyak na magiging mataas o maganda ang impresyon ng tao sa iyo. Ang maging natural, maunawain at mabait ay sapat na upang makakuha ng maraming kaibigan. Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik sa sarili ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 42 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with