^

Kutob

Agosto 15, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang magagawa ang tao kung hindi pahihintulutan ng Maykapal. Maganap nawa ang lahat ayon sa kalooban Niya.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo o pagkakitaan, ito ay inaayunan ng panahon subalit kung ang pakay ay paglilibang, dapat itong ipagpaliban. Harapin ang paghahanapbuhay at iwaglit pansamantala ang paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 28, 39 at lemon green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang usa­ping pera upang hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang bawal na pag-ibig. Huwag hayaang kumatok ang selos sa pintuan kung nais maging maligaya ang pagsasama. May pagkakataong matuklasan ang isang lihim. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 30, 42 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang tampuhan ng nakaraan ay magkakaroon ng solusyon kung ito ay haharapin ngayon. Sa samahan sa trabaho o mga kaibigan, ang magandang pag-uugali ang dapat pairalin dahil may mga ilan na madaling magtampo o magagalitin. Magiging maunlad ang takbo ng negosyo. Lucky numbers  at color for the day ay 2, 17, 37, 40 at pearl white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Bigyang prayoridad ang tungkulin bago ang sarili at iba. Inaayunan ng pagkakataon ang pagpapahinga o paglilibang subalit alalahanin na ang responsibilidad ay hindi makakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay  9, 26, 40, 41 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magkakaroon ng mahalagang pagdedesisyunan na kung hindi mag-iingat ay pagsisisihan. Huwag padala sa sulsol at kapahamakan lamang ang matatamo. Sundin ang kutob dahil angkin mo ang lakas ng ESP na siyang maglalagay sa tamang sitwasyon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay  3, 12, 26, 36 at shocking pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Pikon ka ngayon kaya’t habaan ang lubid ng pasensya dahil gulo lamang ang kahahantungan kung paiiralin ang init ng ulo. Ang pagkakamali at hindi magandang karanasan ay gabay upang maging matuwid ang landas ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 40, 42 at apple green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Depende sa sitwasyon ang galaw ng pag-iisip. Kung inaakala na ang ginawa ay magdudulot ng kabutihan, ituloy at magiging positibo ang resulta. Subalit kung may pagdududa, huwag ituloy dahil pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at lavender.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Walang mangyayari kung magmumukmok sa isang tabi kung may suliranin. May kapangyarihan ang isip ng tao kaya walang dahilan na hindi makita ang solusyon kung ito ay pag-iisipan at lalakipan ng pagkilos. Katamaran ang siyang iiral sa iyo, dapat paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 29, 39 at cannary yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagtulong sa kapwa sa pinansyal o materyal ay hindi masama ngunit tiyakin na ang sarili ay may labis at hindi kakapusin. Maging totoo at iwasan ang magmayabang. Kung kapos at kailangan mo rin, huwag mahiyang magsabi ng totoo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging mapusok ang iyong damdamin sa pag-ibig. Kailangan ang self-control upang hindi mapahamak at magsisi sa bandang huli. Sa mga dalaga, mag-ingat sa larangan ng pag-ibig dahil madali mong ibibigay ang hindi mo dapat ipagkaloob hangga’t hindi kayo nakakasal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 30, 36 at copper red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Panahon nang pagbabago kaya baguhin ang ugaling tsismosa, daldalera, matapobre at mapagmataas. Dahil marami ang hindi na natutuwa sa iyong ugali. Baguhin ang pamamaraan at pamamalakad ng negosyo upang umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 32, 39 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Aminin at tanggapin ang pagkakamali. Upang manatili ang magandang samahan sa pamilya, tulungan at gabayan ang kaanak sa pangangailangan o may problemang kailangan masolusyunan. Magiging bukas sa pagtanggap kung ano ang pagkukulang ng bawat isa at hanapan ng wastong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 32, 40 at orange.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with