PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Agosto 13, 2017

Pagtitibay: Pinupuri ko ang naghihimalang Manlilikha ko noon, nga­yon at magpakailan man.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Naaayon sa panahon ang makipag-kasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao at ang pagpapatawad ay maka-Diyos. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20 ,32 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Time is gold, kaya kung ano ang binabalak huwag nang hintayin ang bukas, kumilos ngayon. Good news dahil kung kailangan mo ang tulong madaling malapitan ang mga kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magandang ba­lita dahil mapalad ka ngayon sa larangan ng pag-ibig. Angkin mo ngayon ang lakas ng iyong ESP na siyang makakatulong sa sarili o sa isang kaibigang may malaking suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang Capricorn ang magbibigay ng hinanakit subalit isa namang kapwa Scorpio ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Wala sa panahon, baguhin ang dating mga balak dahil magiging tagumpay ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magi­ging masaya at maaliwalas ang araw ng Sagittarians ngayon. Mapapawi ang suliraning pangta­hanan gayundin sa trabaho. Maging masigla at makulay ang daigdig lalo na sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging matalas ang kaisipan sa anumang bagay at ito ang iyong matibay na sandata ngayon. Naaayon ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang pagpapa-interview o pagkuha ng pagsusulit o examination. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maaaring may sagabal sa binabalak sa pagtapat ng saloobin kaya ipagpaliban muna ito. Nakatakdang magkaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red rose.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mula sa mga karanasan iwasan ang magkama­ling muli at talikdan ang galamay ng tukso. Maging mahaba ang pasensiya at ang pagkamahinahon. Mapagtitibay ang kumukupas na relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang Leo ang makapagpapainit ng iyong ulo kaya hangga’t maaari iwasan pansamantala ang kaibigang Leo ngayon. Ang pagtitimpi sa sarili ay dapat pairalin. Good news dahil kung may transaksiyon o may nilalakad magiging positibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sundin ang dikta ng isipan at hindi ang puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig dahil may bantang kapahamakan.  Lucky numbers at color for the day ay  6, 11, 13, 40 at silver gray.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa dahil bukod sa magiging masungit ka ngayon ay madali pang mag-init ang ulo. Anuman ang gawain, isaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Mapaghinala ang kasintahan o mahal sa iyo, kaya mag-ingat kung may itinatagong hindi dapat malaman. Isang alaala ang magbigay ng kasiglahan at kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: