^

Kutob

Undecided

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagpupugay sa inyo at sa buong staff ng PS NGAYON. Nawa’y nasa good condition kayong lahat diyan sa pagdating ng aking sulat.

Tawagin ninyo akong Julianne, isang student.  Meron po akong napakamasugid na manliligaw. Kahit ilang beses ko na siyang binasted ay wala pa ring tigil sa pagdiskarte sa akin.

Nang may nanligaw sa akin na gusto ko, sinagot ko ito at tumigil na ang masugid kong manliligaw.

Ngunit inaayawan ng mga close friends ko ang boyfriend ko dahil mayabang daw at mambobola. Kaya nag-decide ako na i-break ang boyfriend ko.

Ang dati kong persistent suitor naman ay naging varsity basketball player at sumikat sa school. Maraming nagkagusto sa kanya. Ang lalaki na dating ayaw ko, biglang nagustuhan ko. Pero hindi na ako pansin. Nanghihinayang ako, sana kung sinagot ko siya, ako ang girlfriend niya ngayon.

Nagkabalikan kami ng dating boyfriend ko. Hindi pa rin boto sa kanya ang mga kabarkada ko subalit hindi ko na sila pinapansin kahit may hinala ako na mayroon pa siyang iba.

Ano po ang maipapayo ninyo, dapat ko ba siyang i-break?

Julianne

 

Dear Julianne,

Bakit ka ba nagpapadikta sa mga kaibigan mo? Kung ayaw ba nila ang lalaki, kahit gusto mo ay ilalaglag mo? Mali yata ‘yun.

Ikaw lang ang puwedeng magpasya kung makikipagkalas ka o itutuloy ang pakikipagrelas­yon sa boyfriend mo.

Kahit ano pa ang ipintas ng ibang tao, kahit kaibigan mo pang matalik, hindi mo gagawing batayan iyan para makipag-break sa kasintahan mo. Para kang walang sariling bait niyan. Hindi mo rin sana siya dapat na sinagot kung hindi ka pa tiyak sa damdamin mo para sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with