^

Kutob

Agosto 11, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Iniaasa ko sa makapangyarihang Manlilikha ko ang bawat bahagi ng buhay ko. Maaayos ang lahat sa awa at habag Niya.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang lahat ng kabutihang gagawin sa kapwa ay daan upang makatanggap ng biyaya mula sa itaas. Ipokus ang pansin sa mga kapatid na nangangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral. Huwag manghinayang na magbigay ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 29, 35 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag sirain ang tiwalang ibinibigay ng kaibigan o nakakataas sa tungkulin. Dahil kapag nagkataon, mauunsiyami ang mga pangarap. Suklian ng katapatan ang tiwalang ibinigay dahil magiging daan ito ng tagumpay sa buhay. Alagaan at huwag abusuhin ang kabutihang iniukol sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 34, 35 at strawberry red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Dahil malaki ang suporta ng minamahal, mataas ang tiwala sa kakayahan ng sarili, isang bagay na magbibigay ng positibong resulta sa gagawin. Wala kang magiging problema. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 25, 37 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag gaanong problemahin ang pera. Matutupad ang iyong pangako o ipinangako sa iyo. Magiging sentro ka ng kantiyawan at kung mapipikon, talo ka. Ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog at sa bandang huli, umaapaw na kaligayahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 29, 34 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan ang magsugal dahil tiyak matatalo. Iwasan ang maglasing dahil magiging simula ng alitan at hindi pagkakaunawaan na hahantong sa hindi inaasahang pangyayari. Kung walang hanapbuhay, ngayon malaki ang pagkakataon na harapin ang paghahanap dahil malaki ang tsansang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 23, 36 at navy blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang magpagabi sa daan. Huwag sumama sa mga kaibigan na ang hilig ay umistambay sa kalye. Bagaman may hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan, mas ligtas ka ngayon dito kaysa sa kalye. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 28, 30 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Panahon na para sa buhay pag-ibig. Pag-ibig naman ang bigyan ng panahon. Simulan mo nang makihalubilo at magpaunlak sa mga sosyalan dahil dito mo matatagpuan ang iyong prince charming o Cinderella. Isang kaibigan ang magpapakilala sa’yo sa taong inaakala niyang bagay para sa iyo. Hindi siya nagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 23, 28, 43 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May dapat kang malaman tungkol sa sinisinta. Kailangang pag-isipan nang mabuti ang kahahantungan ng relasyon sa kasalukuyan. May mag-aakalang mayabang ka ngunit kung kakausapin mo ngayon, magbabago ang tingin niya sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 27, 41 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang taglay na katangian na malambing at malumanay ay bato-balaning hahatak sa karamihan para ikaw ay maibigan. Subalit ang ugaling pagkatsismosa at pakialamera ay siya namang tataboy palayo sa dating mga kaibigan. Baguhin ang dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 22, 38 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung patuloy na magsisikap, ang emotional at financial stability ay tiyak na makakamit sa hinaharap. Gamitin ang taglay na talino at bigyan ng mabilis na solusyon ang kasalukuyang problema nang hindi na umasa sa tulong ng iba. Nasa iyo ang katugunan sa problema, wala sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 39, 40 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang natatabing pera ay dapat ingatan dahil darating ang pagkakataon na may dagliang hindi maiiwasan na pagkakagastusan. May tanong ang isang kasambahay na dapat sagutin nang maayos. Huwag itago ang nalalamang katotohanan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 36, 40 at flame red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi ka dapat magalit sa taong nagpapaalala sa iyo, bagkus dapat matuwa at magpasalamat. Isipin mo kung ano ang pakiramdam kung hindi ka nila pinansin. Ang gagawin sa kap­wa ay gagawin din sa iyo. Kung may ginagawang kalokohan, dapat itigil na. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 28, 37 at neon green.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with