^

Kutob

Agosto 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa lahat ng bagay, laging may dakilang dahilan ang Maykapal. Mananatili akong magtitiwala sa Kanyang wagas na katapatan.

ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Huwag sirain ang magandang araw mo ngayon dahil sa biro, kantiyaw o tsismis. Pagtawanan mo kung anuman ang iyong marinig na laban sa iyo.  Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 38, 41 at aquamarine.

TAURUS  (Abril 20-Mayo 20) – Kung sa akala ay may mga bagay na kailangan baguhin sa tahanan, ito ang tamang panahon upang simulan. Kung may planong maglakbay,  sugod lang.  Lucy numbers at color for the day ay  4, 8, 11, 39 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Kung makikinig sa opinyon ng magulang o nakakatanda tungkol sa binabalak, walang magiging dahilan para magtagumpay.  Lucky numbers at color for the day ay  6, 18, 39,40 at indigo.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa loob ng tahanan, ito ang dapat tandaan. Panahon ngayon para magpulong ang pamilya at resulbahin kung may suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 34, 37 at white.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pag-ibig ang dahilan sa kasiglahang taglay. Masayahin ka ngayon at madaling malapitan.  Subalit dapat humanda dahil malamang isang Virgo ang sisira ng iyong magandang mood. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 40 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay, ngunit maging maingat sa pagpili ng kakaibiganin dahil malapit ka sa mga taong manggagamit. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 32, 35 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang matalik na kaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Kung ikaw ay above 21, huwag sayangin ang panahon na walang boyfriend o girlfriend. Kung ikaw ay sinagot ngayon ng nililigawan, tiyak magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 28, 38 at flaming red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung may suliranin, magpahinga at kalamayin ang sarili upang makapag-isip ng magandang solusyon. Kung gagawin ang paraang ito, good news dahil ilang oras lamang ay masusulusyunan ang problema.  Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 33, 36 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre  23-Disyembre 21) – Good news dahil malamang may sorpresang naghihintay sa tahanan, pinapasukan, kaibigan o kamag-anak. Ngayon mo maipapamalas ang naka­tagong talino. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 26, 35 at strawberry red.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Posib­leng may pangyayaring maganap na hindi mo inaasahan, kaya lang kung ito ay pangit o maganda panahon lamang ang makapagsasabi.  Iwasan ang maglakad sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaari kang makatanggap ng balita mula sa tawag na matagal nang hinihintay. Posible rin na may package kang matatanggap o kaya flowers mula sa suitor.  Lucky numbers at color for the day ay  15, 23, 38,40 at green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Anuman ang binabalak ay ipagpaliban muna. In other words, hangga’t maaari stay at home muna ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ivory white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with