^

Kutob

Agosto 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang naghihimalang Manlilikha noon ay mananatili ngayon at magpakailan man. Lahat ng imposible ay posible sa Kanya.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pag-ipunan ang mga bagay na gustong bilhin, hangga’t maari at kaya iwasan ang paggamit ng credit card dahil magiging alipin ka nito at mahihirapan ka sa pagbabayad. Anuman ang nais mong gawin, tiyakin ang lahat nang kakailanganin ay naihanda bago simulan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mapapansin mong lumalandas ang pagtatampo ng iyong minamahal. Kaya una mong bigyan ng prayoridad ngayon ang iyong love life, na dapat noon mo pa ginawa. Huwag mabahala dahil sa kaunting himas at pagsuyo, manunumbalik sa normal ang init ng pagmamahalan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung sa nagdaan, tutol ang mga kasamahan mo sa iyong mga ideya, ngayon naman sila ang magpapakita ng interes na maisulong ito. Patunay lamang na nagising sila sa kanilang pagkakamali. Huwag husgahan ang isang bagay hangga’t hindi mo alam ang puno’t dulo at dahilan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung siphayo at lungkot ang iyong nadarama sa nakaraan, ngayon naman walang kapantay ang galak at ligaya ang iyong pakiramdam. Ang mga pangyayari sa buong araw ay pabor sa panig na siyang magbibigay ng bagong pag-asa sa buhay. Malamang ma-promote. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung nakitang mas may asenso sa ibang mapapasukan kaysa kasalukuyang trabaho, walang dahilan upang magdalawang-isip. Ang panahon ay ginto kung ang iyong kinikita sa loob ng isang linggo sa kasalukuyang trabaho ay kikitain lamang sa loob ng dalawa o tatlong araw sa lilipatan, sunggaban na kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pahalagahan mo ang iyong dignidad ng higit sa pagpapahalaga sa kinang ng salapi. Malamang may mag-alok sa iyo ng isang dirty proposal katumbas ng pera. Tandaan na hindi magiging pagpapala ang karangyaang galing sa hindi patas na paraan.  Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kumilos at ipamalas ang iyong kakayahan at abilidad kaysa makipagtalo sa hindi sumasang-ayon. Hindi ka paniniwalaan ng nakakatandang kasamahan sa trabaho na kaya mo ang isang bagay,  kaya tahimik itong gawin. Hahangaan ka nila. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnilian.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May bulilyaso kang magagawa ngayon ngunit sa halip na mahiya, magpasalamat dahil landas ito nang pagtuwid sa mga susunod na pagkakamali. Huwag mawalan ng tiwala sa sarili, manapa’y ang pangyayari ay magpapatibay ng iyong tiwala sa susunod na pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 25, 37 at jade green.

ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Bago ang lahat, dapat lamang unahin mo ang pag-ayos ng mga bagay na hindi ninyo napagkakasunduan ng iyong ka-partner. Madaling ipaliwanag at mauunawaan niya kung idadaan mo sa malumanay ang pakikipag-usap kaysa sa dahas at init ng ulo. Lucky numbers at color of the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag mong balewalain ang namumuong kaunting problema na dapat pag-ukulan ng panahon dahil parehas lang ito sa  munting apoy na hahantong sa malaking sunog kung pababayaan. Anumang problema ang makasagupa ngayon, huwag pabayaan hangga’t hindi nareresulba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Magiging magaan ang dating ng mga biyaya at oportunidad simula sa umaga hanggang sa mag­hapon. Kung tatalasan ang pakikinig, pakiramdam at pagmamasid, matutuklasan kung sino ang lihim na humahanga sa iyo. Kung hindi ka marunong umiwas, may makakasagupa ka dahil sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 31 at emerald.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magi­ging mabilis ang mga pangyayari sa paligid kaya maging alerto at handa kung ano ang dapat iwasan at sunggaban. Ang pagkakataon upang umasenso ay abot-kamay mo na at ang katambal nito ay dagdag na mga responsibilidad sa araw-araw na mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with