^

Kutob

Agosto 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gumagaan ang anumang kabigatan kung ang gawa ay may kalakip na pananampalataya sa iyong Manlilikha. Ngayon ang araw para ibalik sa Kanya ang mga kabutihang tinanggap mo sa buong linggo. Magpuri at magpasalamat sa ngalan Niya.

LEO (Hulyo23-Agosto22) –Ngayon lakarin ang dapat lakarin dahil magiging positibo ang resulta. Kung may pautang, ngayon singilin dahil tiyak mababayaran. Kung may kalakal, tiyak malaki ang kita. Kung ano ang suwerte ngayon, malas kung magsusugal ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 33 at red.

VIRGO (Agosto23-Setyembre23) – May katuwiran sila kaya ang maganda ay tumahimik at hangga’t maari ay humingi ng dispensa, paumanhin o patawad. Huwag sumagot nang pabalagbag kung ikaw ay pinapangaralan o sinusumbatan ng pagkakamali dahil hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ay 23, 33, 42, 44 at neon green.

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) –Pag-ibig ang dahilan kung kaya ka masigla. Tiyakin na alam ang buong pagkatao ng pinag-uukulan ng pag-ibig upang hindi mag-sisi. Walang masama kung titiyakin muna ang pagkatao ng iniibig dahil nakataya ang dignidad at pagkatao ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 36, 44 at bold yellow.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) –Alam mo kung hanggang saan ang iyong kaya. Huwag magmayabang dahil ang magiging resulta ay kahihiyan dahil walang baho na hindi maaamoy. Magiging madaldal ka ngayon, alalahanin ang kasabihan na “no talk, no mistake; less talk, lesser mistake; more talk, more mistakes.”Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 34, 44 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre21) –Mag-ingat dahil naglilipana ang maraming masasamang tao.Mag-ingat sa hold-uppers, snatchers o kidnappers. Iwasan ang maglakad nang mag-isa lalo na sa gabi. Ang tahanan ay ang pinakaligtas na lugar hangga’t maaari dumito ka sa buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 43 at brown.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) –Isang kaibigan o kamag-anak ang kailangan ng tulong tungkol sa pinansyal o ibang bagay at kung nanaisin, may maitutulong ka. May kasabihan na “mas may biyaya ang magbigay kaysa tumanggap,” na siyang totoo dahil ikaw ay mayroon at siya ay wala. Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin kaya balang araw may tutulong din sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 39, 43 at orange.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero18) – Kung haharapin ang problema  at magiging matatag ang solusyon at abot-kamay lamang ito. Subalit kung ipagwawalang-bahala ang problema, kailan man ay walang solusyon na darating. Hindi kailan man na matatakasan mo ang problema. Ang nararapat ay kaagad hanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 27, 33, 40 at red.

PISCES (Pebrero19-Marso20) –Kahit anong bagay ‘pag sobra, ang resulta ay hindi maganda. Ang sobra mong pag-ibig, pagmamahal at pagbibigay ay siyang magiging daan sa pag-abuso ng iyong karapatan at pagkatao. Ilagay sa tamang lugar ang lahat ng bagay na hindi kulang at hindi sobra. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 35, 39 at indigo.

ARIES (Marso21- Abril19) –Upang mapanatili ang paninindigan at pagkatao, kung anong ginawang desisyon, panindigan maging ito ay tama o mali. Magsisi ka man sa ginawang desisyon, tiisin. Huwag kang mangako dahil may dahilan na hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 27, 35, 37 at sky blue.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – Kung akala mong tama ka, basta hindi ikakasama ng sarili at kapwa ituloy. Malakas ang ESP, kaya ang kutob ay tama kung sa kabutihan gagamitin. Subalit kung sa kasamaan, tiyak masasabit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 27, 39, 40 at blue.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) –Kung nasa gipit na kalagayan, maasahan ang tulong ng magulang, kamag-anak o kaibigan. Ngunit hangga’t makakaya, iwasan na humingi ng tulong upang manatili ang respeto at pagtingin. Ibuhos ang lahat nang nalalaman at makakaya upang hindi umasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 39, 44 at green.

CANCER (Hunyo2-Hulyo22) – Kung matamlay at hindi maganda ang pakiramdam, kumunsulta kaagad sa doctor upang hindi lumala. Kung maayos ang pakiramdam, makakabuti pa rin ang pagpapahinga ngunit kung may gawain, ituloy basta mag-ingat sa matutulis at matalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 39, 40, 42 at aqua blue.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with