^

Kutob

Agosto 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Panghahawakan ko ang katapatan ng Maykapal sa bawat hagupit ng pagsubok.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag kang kumalas sa kasalukuyang plano at gawain dahil magbubunga ito ng tagumpay. Ituloy ang tinatahak na landas at huwag baguhin, kapag nagbago laking pagsisisi ang aabutin. Kahit sino ang humadlang sa iyong mga plano, huwag padala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 29, 43 at yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mahaba-habang sakriprisyo pa ang iyong bubunuin hanggang makamit ang mga pangarap. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga dahil kung mawalan ka ng pag-asa, lalong hindi makakaahon sa kasalukuyang kalagayan. Sa aspeto ng pag-ibig, makakabawi ka naman dahil ang minamahal ay mananatiling tapat sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 28, 36 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Konsumisyon sa trabaho  maging sa bahay ang aabutin ngayon. Upang maging balanse ang enerhiya ng harmoniya sa kapaligiran, taos pusong panalangin ang kailangan. Huwag mag-alinlangan sa iyong gagawin kung taus-puso, malinis at walang masasaktan, magtagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 26, 37 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang magandang oportunidad ang mawawala dahil sa maling pasiya kung hindi mag-iingat. Anuman ang dapat pagpasiyahan, pag-aralan nang mabuti upang hindi magkamali at walang pagsisisihan. Walang masama kung humingi ng pangalawang opinyon sa inaakalang higit na nakakaalam para makatiyak na hindi papalpak sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 19, 37 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Patuloy sa pagtaas ng antas ang iyong life style. At sa pakikihalubilo sa mga taong kilala sa lipunan, bagay na makapagpundar ka ng mga koneksyon sa iba’t ibang sangay sa pamahalaan at pribadong sektor. Mag-ingat lamang dahil may ilan na gagamitin ka para sa sarili nilang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 26, 38 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makukulitan ka sa mga pangaral sa iyo ng mga mapagbirong kasamahan o kaibigan. Dagdagan mo ang iyong pasensya at pagkamaunawain dahil kung paiiralin ang pagkapikon, tiyak may mangyayaring hindi kanais-nais na iyong pagsisisihan. Sadyang malapit ka ngayon sa mga taong mang-iinis sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 22, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May dahilan para magsaya dahil may bagay kang mapagtatagumpayan. Makakabuting ilihim muna ang tagumpay na nakamit at hayaan na lamang na malaman nila sa bandang huli. Maaaring madawit ka ng dahil sa gawa ng iba, ngunit maiiwasan kung magi­ging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 33, 39 at fuchsia.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Pangalagaan ang kapakanan. Huwag maging marahas sa gagawing mga desisyon o hakbang. Unawain at pag-aralan ang bawat detalye bago isagawa ang balak o pinaplano. Maaaring problemado ka sa ibang bagay ngunit magiging masaya naman kung usaping pampuso ang sangkot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 28, 39 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung babaguhin mo ang estilo ng iyong pananamit at buhok, tiyak mara­ming hahanga sa iyo. Kung babaguhin mo ang estilo ng iyong pakikipagkapwa tao, tiyak marami kang mahahatak na magiging kaibigan. Alam mo ang iyong sarili at tiyak alam mo kung ano ang masama sa iyo na dapat mong baguhin at simulan na ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 20, 23, 31, 39 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung naguguluhan ka sa kakaisip sa taglay na problema, na tila baga walang solusyong mahagilap, makabubuting kumunsulta sa isang psychic upang maliwanagan at magkaroon ng tamang gabay. Hindi masamang humingi ng tulong sa iba kung talagang hindi kaya ng sarili. Hindi ikaw ang makakaresulba sa sariling problema, kundi ibang tao. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 29, 33 at scarlet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag mag-alala dahil nasa tamang landas ka ng  tagumpay kung hindi babaguhin ang binabalak. Gawin ito kaagad at walang panahon na masasayang. Huwag kang padala sa sulsol dahil sisirain ang iyong mga plano. Mabuting tumahimik at gawin ang plano. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 15, 38 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mahigpit kang binabantayan ng iyong ka-partner dahil sa selos, kaya doblehin ang pag-iingat. Huwag hayaang magkaroon nang pagseselosan dahil kapag nagkataon, malaking gulo ang mangyayari. Bigyan ang ka-partner ng full attention para mabura sa isipan ang selos. Yayain siyang lumabas o bigyan ng regalo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 39 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with