^

Kutob

Agosto 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi mawawala ang pagsubok pero gayundin ang malasakit nang Manlilikha ng mundo. Kaya may malaking pag-asa ako na malalampasan ang lahat ng hamong darating sa buhay ko.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Bulaklak, chocolate o card ang iyong matatanggap ngayon. Pero kung hindi ka niya mabigyan nito, mahal ka pa rin niya. Naging praktikal lamang siya dahil sa kagipitan. Sana maging maunawain ka. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Langit at lupa man ang inyong pagitan, hindi ito sapat na dahilan para isuko ang pag-ibig sa babae o lalaking mina­mahal. Kung sadya at talagang mahal mo siya, ipaglaban ang iyong pag-ibig dahil siya ang iyong soulmate. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Walang kabu­tihang idudulot ang pagpupumilit mo na makamit ang pag-ibig ng iyong minamahal. Wala talaga siyang gusto sa iyo, kaya huwag nang mag-aksaya ng panahon. Masasak­tan ka lamang at magsasayang ng panahon sa kanya. Iba­ling na lamang ang iyong atensiyon sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mag-ingat­ sa daan at lansangan. Mag-ingat sa pagmama­neho ng sasakyan. Saan ka man naroroon, ano man ang iyong gagawin, alalahanin palagi ang sariling kaligtasan. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Anuman ang iyong ginagawa siya lang ang laman ng iyong isip. Tiyak may inilaan kang pang-gastos ngu­nit huwag maghinanakit kung tanggihan ka sa iyong paanyaya dahil may mahalagang dahilan ang kanyang pagtanggi. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maalala­hanin, maunawain at mapagpasensiya ang sangkap at rekado ng pag-ibig. Kung kulang ka nito, hindi kum­pleto ang rekado nang pagmamahal. Simulan at sikapin mo ngayon na makumpleto at maliwanag pa sa sikat ng araw ang mararanasang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung seloso o selosa ka at sa tuwina ay nag-aaway nang dahil dito, ngayon mo idalangin kay Kupido na sana’y matanggal ito dahil kung patuloy ang hindi pagkakaunawaan ng dahil sa selos, tiyak kalbaryo at impiyerno ang pagsasama. Hindi masamang magselos kung nasa lugar. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Pag-ibig ang dahilan kung bakit ka masigla. Tiyak ang inyong date. Subalit mag-ingat ka sa pagmamaneho o sa lansa­ngan. Ang pag-ibig ay dapat tiyakin lamang na nasa tamang pag-uukulan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Puno ng ligaya at kasiyahan ang iyong madarama dahil sa regalong matatanggap. Malamang yayain kang lumabas upang ipagdiwang ang minsan sa isang taong okasyon. Sa mga walang asawa, lalo na sa babae, mag-ingat dahil magbubunga­ ang binhi kung magpapapunla. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung nasa malayong lugar ang ka-partner, tiyak kalungkutan ang mada­rama. Subalit tiyak naman ang kasaganahan sa buhay. Iwasan ang matukso sa makamundong pagnanasa, dahil tiyak ito ang magiging daan ng kalbaryo sa buhay. Huwag ipalit ang panandaliang ligaya sa pundasyon ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo21) – Huwag mainggit sa iba kung wala kang ka-partner ngayon. Hintayin ang kusa niyang pagdating, mas maligaya ang iyong tatamasain habang may buhay. Makisaya sa iyong mga kaibigan, ngunit ang lubos na pag-iingat ay huwag kalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung nagkaroon kayo nang hindi pagkakaunawaan ng iyong kasintahan o ka-partner, ngayon ang reconciliation. Huwag magmatigas nang dahil sa pride. Ngayon mo sabihin ang mga dahilan ng iyong pagtatampo at tiyak may pagbabagong magaganap sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with