^

Kutob

Agosto 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaya nang pagkalanta ng dahon, tiyak na may bago namang sisibol. Kaya anuman ang pinsala ng kalamidad, nagtitiwala akong malalampasan din dahil hindi napapatid ang malasakit ng Maykapal. 

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag basta magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin at responsibilidad sa ibang tao, dahil magiging daan ito laban sa iyo. Magi­ging batayan sa ikakaligaya ng minamahal ang iyong pangako, kaya huwag mangako kung ito ay hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 34, 45 at violet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Makakatulong nang malaki ang payo ng mga matatanda upang ma­ging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasan ang mapikon o magalit sa mga biro at kantiyaw dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw. Ang isang hindi inaasahang pangyayari ang magbibigay sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 37, 43 at white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging malakas ang iyong ESP na magagamit sa paglutas ng iyong problema. Magiging pabor ang mga gawaing mental kaysa pisikal at walang magiging sagabal sa mga gawain. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula ng magandang  kinakaharap. Lucky numbers at color for the day ay  6, 13, 28, 31 at cannary yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magandang balita ang matatanggap sa telepono o sulat mula sa malayong lugar na siyang magbibigay nang kasiglahan. May kasiyahan kang maibibigay sa mga magulang, kaibigan o kaanak na matagal na nilang hinihintay mula sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 18, 24 at navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May sasalungat sa iyong binabalak subalit ang galing mo pa rin ang mangingibabaw. Magiging maganda ang takbo sa pananalapi o negosyo, subalit huwag magpabaya at dapat suriin ang mga detalye ng transaksyon bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 21, 39 at lavender.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung ano man ang iyong suliranin ay tiyak na madali itong malulutas, kahit gaano kaabala sa mga gawain. Ang pagbabakasakali ay dapat iwasan dahil tiyak negatibo ang magiging resulta. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay  8, 13, 26, 39 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Marami kang dapat gawin subalit ang pagkalito ng iyong isipan ay magiging dahilan nang kaabalahan. Lalong mabilis makamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at antique gold.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa pagpapahayag ng damdamin ay dapat maging maingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan at magiging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos at pag-isipang mabuti ang bawat hakbang bago magdesisyon sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 30 at fuchsia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may napupusuan, mabuting alamin muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad nang labis na hindi makakaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 35 at citrine yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lahat ng bagay na sinimulan ay siguradong tatakbong maginhawa dahil sa kasiglahang taglay. May kasamahang naghahangad sa iyong puwesto o katungkulan kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay  8, 10, 23, 36 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag magmadali sa hinahangad ngunit kung may magandang pagkakataon, kumilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang mga payo bago gumawa ng desisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas upang hindi maligaw.  Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 36 at magenta.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magandang panahon para makipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari at magiging kakampi mo ang panahon. May konting suliraning lilitaw ngunit huwag lamang maging emosyonal at ito’y dadaan lamang na parang hangin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 25, 30 at mint green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with