^

Kutob

Hulyo 28, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kaligayahan ay pagpapala hindi lang sa ispirtuwal, kundi maging sa pisikal na pangangatawan. Ito’y grasya ng Maykapal.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Maraming oportunidad ang daraan, kailangan maging matalino sa pagpili nang nababagay sa kaalaman at kakayahan. Ang nakalimutang pangako ay tiyak na maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 34, 40 at orange.  

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Nang dahil sa kapabayaan ang matagal nang suliranin ng pamilya ay lalong lalala subalit may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Aksiyunan ang plano para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32 at neon green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang oportunidad ay kusang kakatok at dapat maging maagap para hindi makawala. Panatilihing bukas ang opinyon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41, at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maganda ang takbo ng career. Mananatiling sapat ang pangangailangan. May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon ngunit huwag mabahala dahil sa huli, ikaw ang magwawagi. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May posibilidad na mapili ka sa bakanteng puwesto sa pinapasukan o sa inaplayan. Tiyakin ang sariling kakayahan bago mangako. Pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 21, 30 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May mahalagang gawain na ipagkakatiwala ang nakakataas. Subalit kung hindi nakakasiguro sa kakayahan, iwasan ang ma­ging mapangahas. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Magpapatuloy ang pagganda nang impresyon ng nakakataas sa trabaho dahil sa husay at kasipagan. May gantimpalang naghihintay sa nagawang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 24, 31 at lilac.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Matatag ang career o kasalukuyang trabaho. Iwasan ang magmaramot upang hindi pagtampuhan ng magandang kapalaran. Lutasin ang anumang problema sa karelas­yon bago lumala. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 30, 42 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Palampasin ang maririnig na salitang makakapikon at makaka-asar dahil inggit lamang ang nananadya. Huwag mo silang patulan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hangga’t maaari, iwasan pansamantala ang mga kilalang Leo dahil kapag nagkaroon ng alitan, ito ay hahantong sa matagalang  hindi pagkikibuan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung gagamitin ang likas na talento, siguradong  maaabot ang tagumpay. Kung gumawa ng kabutihan, ito rin ang tatamasain subalit kung kabaliktaran, ito’y iyong pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – May magtatangkang sukatin ang iyong pagtitimpi. Maging mahinahon at gamitin ang talino. Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaalintanang darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 26, 34 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with