^

Kutob

Hulyo 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man kasikip ang daan sa tagumpay, magagawa ko itong malampasan. Bubuhos ang biyaya ng kalakasan at karunungan na magagamit ko para rito.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag magpatumpik-tumpik at sabihin ang dapat sabihin dahil madali kang mauunawaan. Huwag mag-atubiling ipahayag ang kailanga. Maging tapat sa sarili at sa  kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 26, 30, 39 at yellow.  

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Hindi makukuha­ kaagad ang hinahangad. Maaabot lamang ang tagumpay kung sisimulan mula sa baba na parang umaakyat ng hagdanan upang makarating sa itaas. Kilos, tiyaga at sipag ang susi ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 31, 43 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Hindi ka makaka­ahon sa kasalukuyang situwasyon kung wala kang dapat gawing pagbabago. Hindi lingid sa iyong kaalaman kung ano ang iyong pagkukulang, ito ang dapat baguhin. Ang ganid at masamang ugali ay nagtataboy ng suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 37, 39 at fuchsia.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang iyong pananahimik ay nangangahulugan nang pag-sang-ayon kahit labag sa iyong prinsipyo at kalooban. Walang masama kung sasabihin ang totoong nilalaman ng damdamin. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 29, 36 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Lumaro ka ng patas. Ang anumang bagay na nakuha sa pandaraya ay saglit lamang ang kaligayahan dahil ang kabayaran ng karma ay daang tiklop na pagdurusahan. Lucky numbers at color for the 9, 22, 28, 39 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung hilong talilong sa kakaisip dahil sa problema sa relasyon o pinansiyal, walang masama kung kumunsulta sa psychic upang magkaroon ng tamang gabay sa suliranin. Lalong tama ang gagawin kung higit sa isa ang sumasang-ayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 22, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung sa palagay ng sarili na tama ang gagawin, huwag mag-atubiling simulan kaagad dahil naghihintay ang tagumpay. Kung may duda, huwag ituloy. Sa lakas ng ESP, kung ano ang naisip ay mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang hinala ay hindi batayan na ang akala ay totoo, maliban kung may matibay na ebidensiya. Patunayan muna ang totoo bago gawin ang kumprontasyon. Huwag idahilan ang tsismis sa kumprontasyon. Hindi lahat ng usok ay may apoy. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 19, 37 at violet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Suriing mabuti ang gawain o dapat gawin upang maiwasan na magkamali. Nasa panig ang malakas na enerhiya nang pagka­kamali kaya dahan-dahan at tiyak ang bawat hakbang. Huwag magpabigla-bigla. Hangga’t maaari magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 24, 35 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Masusukat kung hang­gang saan ang iyong pagtitimpi sa tahanan o trabaho. Ang mabuti, huwag patulan kung ano ang ikakagalit dahil ‘pag nagkataon may masasaktan na damdamin. Iwa­san ang kumprontasyon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 28, 39 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Malamang may mangyaya­ring maganda, pero maaari rin na may mangyaring ma­sama. Maging alerto at mapagmasid. Maging maingat. Huwag magtiwala lalo na kung may duda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 14, 19 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ngayon mo lakarin ang dapat lakarin dahil magtatagumpay ka. Kung may gagawing paniningil ng pautang, mababayaran. Kung nag-a-apply, malaki ang pag-asang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 31, 36 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with