^

Kutob

Hulyo 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Araw-araw ay umuusad ang buhay ko sa pag-asenso. Walang makakapigil sa nakalaang pagpapala. Tapat ang Maykapal magpakailan man.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Maganda ang aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita nang ekstra. May kaunting kalituhan tungkol sa schedules o sa trabaho. Maisasaayos ang gusot na pang-puso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Maisasakatuparan ang gustong mangyari. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwang Taurus o isang Gemini. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.   

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi ka tiyak sa sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o may matutuklasang sikreto ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi na mababayaran. Iwasan ang maging matamlay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimulang maging maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitawan. Huwag kalimutang magpasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa gabi, maligaya ang pagsasama ninyo ng minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Aanihin ang itatanim. Kung ano ang ginagawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o sa kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Umaayon ang panahon upang pagtuunan ng pansin ang kalusugan. Pag-aayos  ng tahanan ang mapagbabalingan ng atensiyon. Mapagtutuunan ng pansin ang nutrisyon, diet at exercise. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya, kung kailan dapat maglabas at magtago ng salapi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31 at 39 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan, paraan lamang ito para ikaw ay manlamig. Ang pakikipagtikisan sa nakakataas sa tungkulin ay magpapahamak sa sarili. Sundin ang patakaran at alituntunin ng pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makapagpipigil, may makakasagupa na hindi pinapangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12,. 28, 39 at pale yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng Pisces o Virgo. Doblehin ang pag-iingat kung may kaibigan na ang pangalan ay nagsisimula sa A, E o M. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang may pangalan na nagsisimula sa B, N at W. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasan na magbalak pumasok  sa aktibidad na magastos. Makakabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at nang walang pagsisihan. Pagtuunan ang pagpapaunlad ng professional skills. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Huwag iisantabi na lamang ang sulirann sa pera dahil maaaring ang isang himala kung patuloy na magiging masipag, disiplinado, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili upang magkaroon ng tiwala ang koneksyon o contact. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with