^

Kutob

Hulyo18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa bawat pagsubok may agarang tulong na maaasahan. Dahil tunay na totoo ang pangako ng Maykapal sa lahat nang naniniwala at nagtitiwala sa Kanya.

CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) – Ang hindi pagkaka­sundo sa mga ideya ay siyang magbibigay nang kalungkutan o katamlayan. May ilang taong nagna­nais na gamitin ka sa pansarili nilang interes, ito ang iyong dapat ingatan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 37, 44 at orange.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya kung makatarungan lamang, dito mo matatamo ang respeto ng iba lalo na ng bunsong kapatid. Malulutas ang suliranin na bumabagabag sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 17, 19, 31, 42 at ivory white.   

VIRGO (Agosto 23 - Set­yem­bre 23) – Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon, dahil may makukuha kang mahalagang impormasyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 25, 29 at cannary yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Ok­tu­­bre 23) – Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa kalooban, dahil magiging masungit siya dala nang init ng katawan. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan nang matapat at magandang kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 34 at mustard yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makakakilala ka ng isang mayamang biyudo na mag-aalay ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag nang taglay na hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 23, 43 at royal blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang nasa unahan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 35, 45 at cherry red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Hinahon at katiwasayan ng isip ang dapat pairalin. Dahil sa dami nang gawain, magiging mainitin ang ulo mo at madaling magalit na dapat iwa­san. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 31, 37 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Sundin ang kutob ng kalooban at hindi ka magkakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o ma-bulgar. Ang lahat ay makikiisa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 17, 42 at beige.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Makakatagpo nang bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal kung makakadalo. Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 28, 45 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Hindi angkop ang maglakbay ngayon lalo na kung tatawid sa dagat ang pupuntahan. Umaayon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon dito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 22, 40 at brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20)Pakinggan ang pa­ngaral nang nakakatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon at baka magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 30, 33 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Lumalandas ka ngayon patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap, congratulation. Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 36, 38 at lavander.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with