^

Kutob

Hulyo 11, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Alam ko may magagawa ang aking Manlilikha para mas mapabuti ang aking kalagayan. Nag­titiwala ako sa Kanya.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang mga usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagiging agresibo ng kaibigan o kasamahan. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mahalaga ang magkaroon ng social acquaintance. Ngayon mapapatunayan sa sarili na ang sina­yang na panahon ay hindi na maibabalik. Ipagpatuloy ang sinimulang pamumuhunan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at sea geen.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magiging mailap sa iyo ang kapayapaan ng loob. Patawarin ang taong matagal nang kinainisan upang gumaan ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 27, 33 at dark red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May kalutasan ang matin­ding kagipitan kung pananatilihin ang pagkamahinahon upang makapag-isip ng paraan o solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Ikundisyon ang isip at i-relax ang katawan dahil kakailanganin ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at blue gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Tuklasin ang sariling potensyal at kung paano ito mapapakinabangan. Ipagpatuloy ang naudlot na mithiin sa buhay. Lucky numbers ay 7, 16, 30, 36 at rose pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang maselang akusasyon na ipinupukol sa iyo. May darating na materyal na bagay buhat sa ibang bansa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Isulong mo ngayon ang planong pangkabuhayan na sinimulan noong nakalipas na taon. Matutugunan ang hamon ng oportunidad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at pale blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang bagong marketing­ strategy na maiisip ay may ibu­bungang tagumpay kung isasakatuparan ngayon. Sasang-ayon sa panukala mo ang mga nakakataas o boss. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 27, 32 at tan.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Ang suwerte ay parang nakadikit sa iyo ngayon, dahil sa likas na kababaang-loob na taglay para sa mga kapus-palad. Samantalahin ang magandang pasok ng kapalaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at metallic gray.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magkakaroon ng kaunlaran ang kalagayan sa pananalapi. Iwasan ang mga walang kabuluhang mga bagay na uukupa ng iyong oras. Lucky numbers at color for the day ay 2, 23, 32, 45 at golden brown.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maging praktikal, simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay. Siguraduhing sa mabuting bagay mapupunta ang pakakawalang pera. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 24, 37 at olive green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with