^

Kutob

Hulyo 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Higit akong kilala ng aking Manlilikha kaysa kaninuman. Hindi ako mangangamba anuman ang sabihin ng iba, ang mahalaga ay may isang makapangyarihan sa lahat na nakakakita at nakakaalam kung ano ang totoo.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Dahil sa pagkabagot sa gawain, isang libangan ang malamang pagtutuunan ng atensiyon. Ang desire na maglibang ay magiging pangunahin sa isipan sa bandang tanghali. May pagkakataong aliwin ang sarili. Magiging matumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 20, 35, at blue violet.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ito ang tamang panahon upang maipakita ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging katuwang mo noong nagsisimula ka pa lamang. Dalawin o kumustahin ang isang kamag-anak o kaibigan na may sakit. Mag-ingat sa mga lugar na pupuntahan o dadaanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 25, 31 at light blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Planuhin ang mga gagawin upang sa gayon ay matamo kung anong inaasahang mangyari. Ang sunud-sunod na problemang dumarating ay mga pagsubok lang. Ikaw lamang ang maaaring pumili ng landas na patutunguhan at hindi dapat magpaimpluwensiya sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 30, 38 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Maging handa sa karagdagang responsibilidad na maaaring ibigay ng boss o nakakataas sa tungkulin. Maaaring isuko mo ang iyong pride dahil sa kagipitan. Pagtitibayin ng tiwala ang relasyon ninyo ng iyong minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 26, 34 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag ipagkatiwala ang iyong sikreto sa araw na ito kahit kanino, dahil maibubulgar nang hindi inaasahan. Maaaring ang iyong sikreto ay pag-umpisahan ng kaguluhan. Makakabawi sa malaking nagastos. Maglaan ng oras sa sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 31, 43 at apple green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) –  Makipagkasundo sa matagal nang kagalit. Makakaranas ng katahimikan at kaluwagan ng kalooban. Tamang panahon para bigyang pansin ang kalusugan. Magpasuri sa espesyalista kung may kakaibang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 40 at yellow green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May suwer­teng darating na hindi sukat akalain. Huwag mag-atubiling magbigay ng biyayang natatanggap sa mga nangangailangan upang lalong maging masagana ang grasyang darating. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at pearl white.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang labis na kasipagan ngayon ay magdudulot ng kasaganahan sa hinaharap. Huwag isubo ang katawan sa trabahong hindi para sa iyo, dahil wala kang mapapala. Makakagawa ka ng bagay na hindi makakalimutan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 38, 42 at midnight blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malalampasan ang mga balakid na masasagupa. Magiging kapuna-puna ang panlabas na anyo dahil sa pagbabago ng istilo ng pananamit o istilo ng buhok. Ngayon mailabas ang talentong itinatago. Magiging normal ang takbo ng mga gawain. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color 7, 12, 21, 35 at beige.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maaaring sa kauna-unahang pagkakataon, hihingi ka ng tulong sa isang kaibigan o kamag-anak. May magsisikap na matulungan ka sa abot ng kanyang makakaya. Maaasahan ang mga kaibigan o kamag-anak kung hihilingin ang tulong. Magandang balita mula sa malayong lugar ang magdudulot ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 22, 37 at oak white.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang bagong kaibigan ang posibleng lalapit at hihingi ng iyong tulong. Mag-ingat at baka ikaw ay maging biktima ng mapagkunwari at mapagsamantala. Huwag basta magtiwala kaagad. Maraming dapat unahin, harapin at bigyang prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 11, 24, 36, 43 at magenta.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Sikapin na manatiling mahinahon dahil magiging malapit ka sa mga nakakalitong bagay. May mga panukalang ilalapit na makakabuting pag-aralan muna bago desisyunan. May titimbangin kang desisyon sa pagitan ng pamilya at trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 34, 40 at avocado green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with