^

Kutob

Hulyo 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:Nasa likod ng bawat pagsubok ay pagpapala. Kaya tinatanggap ko ang kalagayan ko na ang makapangyarihang Manlilikha ko ay may walang hanggang habag para sa akin.

CANCER (Hunyo22-Hul­yo22) – Maghahatid ng maraming oportunidad ang panahon kaya huwag magpabaya at nang may mapala. Makakakilala ng taong makakatulong sa problema o suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 40 at red orange.

LEO (Hulyo23-Agosto22) – Hindi maiiwasan ang kabiguan subalit huwag balewalain ang pagsisikap dahil nasa tamang landas ka ngayon ng tagumpay. Bigyang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 28, 39 at neon green.

VIRGO (Agosto23-Setyembre23) – Magiging ordinaryo ang takbo ng mga pangyayari. Malamang mapapaki-alaman ang suliranin ng kasambahay o kasamahan upang mabigyan ng kalutasan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 27, 40 at blue violet.

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) – Huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa o maaaring ma­ging ugat ito ng pagkainis sa iyo ng nakapaligid. Huwag pairalin ang pride. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 32, 37 at flaming red.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) – Mangi­ngibabaw ang sipag at liksi ng pagkilos dahil sa inspirasyon. Huwag ipagwalang-bahala kung sakaling may warning na matatanggap para maiwasan ang panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 32, 44 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre21) – Kontrolin o putulin ang masamang bisyo dahil kapahamakan ang nasa unahan ng iyong nilalandas. Magi­ging pabor sa sariling kabuhayan ang sakripisyong  gagawin. Ang pagkakamali ay magtataboy sa biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at fuchsia  pink.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) – Hindi birong problema ang sasagupain ngayon, kung magpapabaya. Kaya ingat at hinahon ang kailangan. Huwag basta maniwala sa sabi ng iba. Makakabu­ting tiyakin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 19, 37 at silver gray.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero18) – Matatamo ang tagumpay ng pinapangarap. Ang labis na kasipagan ay gamitin sa wastong paraan para maiwasan ang naka-ambang karamdaman. May matatamis na bungang pipitasin mula sa paghihirap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 29, 45 at royal blue.

PISCES (Pebrero19-Marso20) – Makakamit ang hindi inaasahang biyaya. May gantimpala ang maging masunuring anak o empleyado. Magpapakita ng pagkabahala ang isang taong matagal nang may lihim na damdamin sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 25, 31 at yellow gold.

ARIES (Marso21- bril19) – Magiging produktibo ang binabalak sa pagsasauli ng mahalagang bagay na napupulot. Makakaranas ng higit na kawalan sa buhay kung aangkinin ang bagay na hindi pag-aari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 32, 41 at blue sapphire.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – Anumang problema ay nakatakdang maresulba o mahanapan ng solusyon. May kamag-anak o kaibigan na tutulong. Mag-ukol ng balanseng oras sa pagtatrabaho at personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 30, 35 at maroon.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) – Huwag mangarap ng labis o sobra dahil maghihinanakit lamang kung mabibigo. Kung gustong matupad o makamit ang binabalak, sipag at tiyaga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 43 at blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with