^

Kutob

Hulyo 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Maykapal. Hindi Siya na napapagod na pagmalasakitan ako. Ano pa ang dahilan para panghinaan ako ng loob?

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maging matalino sa pagbigay ng tulong at ibigay lamang ito sa karapat-dapat. Mag-ingat sa mga taong mapagkunwari. Iwasan na haluan ng kalokohan ang magandang suwerte sa buhay. Sa romansa, sundin ang tinitibok ng puso. Walang magiging sagabal kung anuman ang balak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 31, 37 at red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Iwasan na masangkot sa gulo o ang pakikipagtalo dahil malapit ang mga ito nga­yon sa iyo. Kung magkaroon ng pagtatalo ang magka­sintahan, malamang hahantong sa pangmatagalang tampuhan o magkakahiwalay. Kung ang mag-asawa ay magtatalo, hahan­tong sa walang imikan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 28, 32, 36 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Makakabuting pata­warin at unawain ang taong nakagawa nang pagkakamali o pagkakasala, dahil kapayapaan ng damda­min at isip ang kapalit. Kung nasaktan sa unang relasyon, ma­kakabawi sa susunod. Malaki ang pagkakataon na makatagpo o makita ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 29, 38 at royal blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang nakaraang kabiguan ay maging leksiyon para hindi na muling maulit. Ang minamahal ay magiging tapat at hindi magbabago kaya iwasan ang mag-alinlangan. Makakabuting tapusin ang mga nakabinbing kompromiso. May suporta ang mga kasamahan sa gawain. Lucky numbers at coor for the day ay 5, 30, 42, 45 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag patulan ang mga maririnig na intriga o tsismis dahil sisirain ang iyong magandang araw. Ituloy ang sinimulan dahil malapit ka na sa iyong tagumpay. Tamang pagkain at hustong pagtulog ang kailangan para sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 31, 44 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May magandang impormasyon na mapupulot mula sa isang babasahin, na siyang magbubukas ng bagong landas sa pag-unlad. Makakapasa sa pagsubok o pagsusulit at magiging hagdan ito ng promosyon. Magkakaroon ng bagong kaibigan o kakilala na pagmumulan ng magandang oportunidad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 28, 44 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Iwasan na masilaw sa kinang ng salapi. Dahil ito ang magiging dahilan sa pagbaba ng iyong pagkatao. May pagsubok ang nakakataas na kung hindi mag-iingat ay magiging dahilan nang pagkasira ng propesyon. Malaki ang pagkakataon na makapaglakbay sa ibang bansa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 25, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maganda at ma­aliwalas sa loob at labas ng tahanan. Kung may balak na maglakbay, tamang panahon para ito ay pagplanuhan o isakatuparan. Isang kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong o payo na dapat hindi pagkaitan kung makakaya naman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 23, 36 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Pag-unawa at pagpapatawad ang magandang sangkap para mapanatili ang magandang pagsasama. Ang tagumpay na tina­tamasa ay hindi dapat ipagmayabang. Mag-ingat sa kalusugan dahil magiging mahina ang sikmura at pulmon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 23, 36 at brown.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag maging conscious sa pigura. Ang magandang kalooban ang dapat­ tingnan, dahil ito ang salamin ng kaluluwa at pagka­tao. Iwasan na maging masalita o madaldal dahil baka maka­sagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ng taong sasa­lungat at madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27, 35 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang buhay ay walang ipinagkaiba sa gulong na umiikot. Kung ngayon ay naghihirap, balang araw ay darating din ang kasaganahan, kung hindi hihinto sa pagsisikap. Tiyaga, kilos at sipag ang pa­laging pairalin. Huwag sayangin ang bawat sandali sa walang katotohanang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 34, 41 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Gantimpala ang naghi­hintay sa tapat sa tungkulin. Magtatagumpay sa hangarin. Ngayon ang minamahal ang mabibigay inspirasyon para magtagumpay. Dahil sa pagod, kakailanganin ang pahinga. Na­aayon ang pagre-relax o ang maglibang. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 38, 41 at magenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with