^

Kutob

Hulyo 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi mapipigilan nang pabugso-bugsong hangin at ulan ang nakalaan na grasya sa akin.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kailangan ang di­siplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng boss at mga kasamahan. Matiwasay na maga­gampanan ang tungkulin kung iiwasan ang makipaghuntahan o tatamarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kahit masakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Kung isang Taurus o kapwa Libra ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil puno ng kamandag at magiging mabagsik ang buntot ng Scorpio. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging ito ay tama o mali. Pag-isipan at maging mahinahon sa anu­mang ginagawa o gagawin nang maiwasan na magkamali o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang gawain na hindi nagawa o napapansin noon ay may pa­nahon na matatapos ngayon. Magiging malakas ang magneto nang pakikipagsapalaran subalit ang masu­sing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon nang pagre-relax ay nababagay upang makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 12, 27 at beige.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – May gantim­palang naka-antabay sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at ang gustong gawin kung paglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 28, 38 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang pakikiisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magiging masuwerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman sa pag-ibig. Mag-ingat sa hold-uppers at snatchers. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsa­lita o humatol upang maiwasan ang magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang hindi ina­asahang panauhin dahil may dalang tsismis o balita na makapag-iinit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o ibigay. Ang paglilinis ng kapa­l­i­giran, tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Iwasan­ ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with