^

Kutob

Hulyo 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nakahanda na akong masaksihan ang himala ng makapangyarihang Manlilikha ko.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) –  Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig, dahil tiyak na ang damdamin. Kung palaging hindi nagkakaunawaan, walang dahilan para hindi putulin ang relasyon. Pero kung gusto itong isalba, kumunsulta sa psychic. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control, hahantong ka sa kapahamakan. Iwasan ang mga barkada dahil magi­ging daan ito ng iyong kapahamakan. Iwasan ang maglasing at magsugal dahil ito ang magiging dahilan ng iyong pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ituloy ang mga binabalak dahil magiging positibo ang resulta. Huwag lamang ang labag sa batas ng tao. Kung may lakas na pang-personal o pangnegosyo, huwag magdalawang-isip dahil magtatagumpay. Iwasan ang date dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Walang imik, walang mali. Kakaunting salita, kakaunti ang mali. Alalahanin na walang sinuman ang nakakaligtas sa batas ng karma. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali upang landasin ang kaunlaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Maaaring madawit ka nang dahil sa iba, ngunit maiiwasan kung magiging alerto at mapagmasid. Ayusin ang pagganap sa tungkulin upang walang mapuna ang nakakataas. Maaaring may magtraydor na kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram o pinahiram na hindi mababayaran. Iwasan ang maging matamlay hindi ito makakabuti sa diskarte mo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad ng sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makapagpipigil may makakasagupa na hindi pinangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at pale yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –  Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Mauubos ang mga oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitawan. Huwag kalimutan ang pagpapasalamat sa Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa gabi, maligaya ang pagsasama ninyo ng minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color for the day 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Huwag ituloy at ipagpaliban kung anong mahalagang binabalak, dahil hindi magbubunga ng maganda. Pansamantalang ibaling ang atensyon sa paglilinis o pag-aayos ng bahay o kagamitan. Iwasan ang magalit, magtsismis o magmura. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Malakas ang kutob at positibo ang kalalabasan sa anumang gawain o gagawin. May mapapala sa gawain, maliban kung labag sa batas ng lipunan at langit. Huwag maging pihikan o mapili sa trabaho, kahit sa akalang mahirap, sunggaban dahil diyan ang simula ng swerte. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 36 at pink.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Magiging suliranin ang pinansyal. Simulan ang masinsinang pagba-budget dahil ito lamang ang tanging paraan upang makaahon sa kagipitan. Aksiyon sa mga plano ang kailangan upang makita ang kaunlaran. Huwag sayangin ang mga oras. Kung ano ang magagawa ngayon, gawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with