^

Kutob

Hulyo 2, 2017

TAROT GABAY - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa hindi nagbabagong pag-ibig ng Maykapal. Napupuno ako ng pag-asa.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –  Nasa kondisyon at kasiglahan ka at handang harapin ang anuman. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita, in-love ka kasi. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Ang tunay  na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon makikilala ang tunay na kaibigan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawaing pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Laging maging tapat. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at light green.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang tahanan o pinagtatrabahuan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balita na masasagap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan nang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at gray.

AQUARIUS (Enero. 20-Peb­rero 18) – Malakas ang tiwala sa sarili at posi­tibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan sa kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 19, 24 at green.

ARIES (Maso 21-Abril 19) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna. Panalangin ang kailangan upang magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –  Anumang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito na manumbalik ang enerhiya ng sigla. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with