^

Kutob

Humyo 30, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: May agarang tulong ang bawat pusong nakadepende sa Maykapal. Walang hindi malalampasan sa kalakasang kaloob Niya.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Iwasan na ma­ging sakit sa ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaa­ring ito ang ikasira. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang nara­ramdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –  May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang makasiguro sa nais malaman, kausapin siya nang masinsinan para maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

 SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng tao. Dahil ang maging natural ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan. Iwasan na magmayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, ipagtapat. Malalaman ang kasagutan kung magtatapat sa sadyang pakay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)  –  Unti-unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera na kung kaila­ngan ay may magagamit. Maging tipid at simulan ang mag-savings. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)    Maaaring ang isa sa dalawang manliligaw ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Maaaring ang kasintahan ay magyaya nang pakasal. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa matinong pag-iisip at puso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili kung ano ang dapat piliin. Hindi ito minamadali lalo na kung maselang bagay ang nakataya. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Manatiling mapagpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride at kapag walang self-control mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with