^

Kutob

Hunyo 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang hindi magagawa ang Maykapal. Dahil ang imposible sa tao ay posible sa Kanya.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 31, 40 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasu­ngit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi mapapasubo sa hindi magandang situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 25, 39, 43 at blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –  Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makapag-iisa muna upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa akalang higit na nakakaalam sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 26, 37 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Unahin ang kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak walang magandang kahihi­natnan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 36, 38 at red.

SAGITTARUS (Nobyembre 23 - Didyembre 21) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain. Isang dating insidente o magkahalintulad ang mauulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang pag-iingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 22, 34 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na isang aral na hindi na dapat maulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang oras o panahon. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)  –  Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na hindi makakalimutan. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 28, 39 at gray.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangungulit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)–  Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasan gawin dahil walang mapapala. Kung papatulan ang mang-asar o mangu­ngulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 39, 42 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  May pabuya na matatanggap sa kabutihan na nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag nang magkomento upang hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 29, 38 at avocado green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Sa impluwensya ng panahon walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalubilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit kung kaya rin lamang. Lucky numbers at color for the day ay2, 18, 23, 41 at maroon.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Upang hindi magkabuhul-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak makakalimutan o hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 29, 33 at brown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with