^

Kutob

Hunyo 24, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang mabuting Manlilikha ay may mabuting nilikha.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Kung gulung-gulo sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan, walang masama kung puputulin ito hangga’t maaga pa. Hindi na uso ang magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin, kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Set­­yembre 23) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal at hindi ito magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –  Ang kinatatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan.Tiyakin lamang na ang bawat gawain ay hindi labag sa batas ng tao at Diyos. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Kung ina­akala na walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino ang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan upang makatiyak ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan ang namumuo sa tahanan subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makakasali sa gulo. Pasensya at hinahon ang kaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18)  –  Maraming gawain subalit kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan. Dahil may kahinaan ang pulmon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay C, D o W, magkakaroon  ng relasyon at malamang magkatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)–  Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may bagay na kailangan pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain at hindi mo matatanggihan subalit ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Hindi maiwasan ang argumento subalit mailalayo ang sarili sa away kung magiging mahinahon. Huwag papatulan ang argumento dahil nagsisimula ito sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ano man ang gawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya ngayon, dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with