^

Kutob

Hunyo 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Panghahawakan ko ang katapatan ng aking Manlilikha, pipiliin kong maging mabuti dahil alam kong patas siya noon, ngayon at magpakailan man.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Kabaligtaran sa ina­asahan ang magaganap. Huwag kang umasa nang hindi masiphayo. Sikapin na sa abot nang makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay kesa umasa sa mga pangako. Sariling sikap ka ngayon at huwag iasa sa iba ang sariling pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 38, 39 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang papasok sa isip. Himay-himayin mo ang bawat detalye at pangyayari sa nakaraan upang matuklasan mo kung tama o mali ang napili mong ibigin. Walang masama kung tutuklasin muna ang kanyang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 22, 24, 39, 43 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Katungkulan sa pamilya at trabaho, madaragdag pa ng mga pabigat na gastusin ang siya mong problema. Kung tutuusin, masuwerte ka pa rin kaysa sa iba na sira ang utak at palabuy-laboy na lamang ngunit nagsisikap pa ring mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa, dagdagan lamang ang tiyaga at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 22, 23 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) Wala kang makukuha sa pagsama sa mga taong may masamang bisyo, lalo na sa mas mababa kaysa iyo. Kung nais umunlad, samahan ang taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputasyon sa lipunan. Sayang ang iyong pagkatao kung hindi mo gagamitin ang matinong pag-isip. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 31, 39 at fuschia.  

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Hanggang kailan ka aasa sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sayangin ang iyong mga pagkakataon dahil daranasin mo ang kahirapan sa darating na panahon. Masarap mabuhay kung pinatuluan sa sariling pawis ang tatamasahing kasaganahan. Lucky numbers at color for the  day ay 12, 16, 25, 36 at red.

 SAGITTARUS (Nobyembre 23 - Didyembre 21) – Nasa pagitan ka ng dalawang daan. Malilito kung ano ang dapat gawin dahil parehong kailangan ka ng iyong pamilya at trabaho. Sa ganitong situwasyon, walang mas magandang pagbasehan ng desisyon kundi ang praktikalidad. Kung saan ang mas matimbang, gawin kung ito ang dapat. Lucky numbers ay color for the day ay 15, 22, 28, 39 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang iyong inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakala mong magkakamali ka, huwag ituloy. Kung inaakala mong matatanggap sa trabaho, lakarin at tiyak matatanggap kung tugma ang kurso o experience. Kung inaakalang mababayaran ng may utang, singilin at tiyak mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 32, 41 at indigo. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)  –  Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. Relax, dahan-dahan  at gawin nang malambing ang pagsasabi sa pakay dahil lalong titingkad ang aura ng karisma. Hindi ka mapaghihindian sa pakay kung may kasamang ngiti at lambing na pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 27, 36 at rose quartz.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  May mga nakakairitang bagay ang sasalubong sa iyo at kung papatulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Hinga nang malalim at  mag-relax muna bago simulan ang dapat gawin. Huwag magpadalus-dalos upang walang damdaming masaktan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 35, 37 at violet

ARIES (Marso 21 - Abril 19)    Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama at huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho upang walang mapuna ang iba. Ilagay sa tamang oras ang pakikipaghuntahan. Hindi maiiwasan ang makipagtsismisan ngunit piliin ang paksa na may kabuluhan at hindi makakapanira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 21, 25 at bright yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiwasan, ngunit maaaring hindi gumastos ng sobra sa budget. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Huwag pilitin na lumipad na kulang ang pakpak dahil tiyak babagsak. May panahon pa para mag-ipon upang kahit papaano ay may mapagsaluhan ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 28, 35 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak “very good” ka sa kanya. Ngunit magiging simula ito nang palaging reklamo at kung  hindi mapagbibigyan, maraming paninira ang iyong aabutin. Ang magandang gawin, wala ka dapat paunlakan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 24, 38 at jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with