^

Kutob

Hunyo 21, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-asa ko ay nasa aking Manlilikha, hindi siya nagkukulang at ang pag-ibig Niya ay hindi nagbabago.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at ami­nin kung nasumbatan sa pagkakamali. Maitutuwid ang hindi tama at maging leksyon ito na hindi na dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 26, 37 at blue sapphire.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag mangutang­ o magpautang dahil tiyak hindi mababayaran sa tak­dang­ panahon ng pangako. Huwag magpahiram ng gamit dahil tiyak mawawala at hindi maisasauli, at kung ma­bayaran ay matatagalan. Huwag maningil ngayon kung may pautang, mag-aaksaya lamang ng panahon dahil hindi ma­kakabayad. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 37, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang pagkanerbiyoso ay dahil sa stress at pagod. Kung palainom ng kape, panahon na upang lumipat sa pag-inom ng tsaa o herbal tea. Ang pagpapa-therapy ay pagtanggal ng pagod at stress, gawin ito. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 29, 39, at jade green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Disiplina sa sarili ang dapat mong harapin at gawin. Kung may mga mahalagang lakad o schedules, pag-aralan, repasuhin at maagang matulog. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya na magdudulot ng antok sa oras ng trabaho. Ang personalidad ay malaking merito sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 26, 39 at pink.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Makabago ang panahon at halos lahat ay moderno. Baguhin ang pag-aayos sa sarili at magtataka ka na maraming hahanga. Iwaglit ang ugaling kinakainisan ng kasambahay, kaibigan o kasamahan at magtataka ka na magiging kagiliw-giliw ka sa kanila at hahatak ka ng maraming tagahanga at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Nang dahil sa iyong emosyon sa asawa, anak, kaibigan o kasamahan parang malayo ang iyong kalooban sa kanila kahit kabaligtaran dito ang iyong nararamdaman. Nasa sarili ang paraan sa pagsupil ng emosyon, bagay na hanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung kaya mong makontrol ang iyong emosyon, magkakaroon ka ng katangian na makontrol ang kahit anong situwasyon na dati ay hindi mo kayang harapin. Magkakaroon ka ng kumpiyansa sa kahit anong desisyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 33, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  Balansehin ng maayos ang lahat ng may relasyon sa iyong buhay. Pag-ibig, pamilya, trabaho, kaibigan, kasamahan at ano pa man. Ang pagbibigay ng malaking atensyon at sobrang oras sa isang bagay ay magdudulot ng hinanakit sa iba. Gawin hangga’t maaga dahil may bantang unos na dara­ting sa inyong pagmamahalan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 33, 42 at white.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maliit ang problema kung iturin subalit dapat alalahanin na ang pinagmumulan ng malaking sunog ay ang munting apoy. Harapin ang situwasyon at may tamang solusyon na mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 19, 37 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mas maganda ang resulta ng trabaho kung pinagkaisahan ng lahat kaysa umastang boss o sarilihin ang gawa. Huwag ipagkait na ibigay ang nalalaman sa kapwa. Pasasalamatan ka ng kasamahan sa pagbabahagi ng iyong kaalaman. Huwag maging sakim. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Taglay mo ang kalakasan ng ESP at malaking tulong sa paggawa ng maselang pagdedesisyon. Asahan na ang kutob ay totoo o magkakatotoo subalit lalong mabuti kung mapapatunayan muna sa “physical” na ebidensya bago magkomento o magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 35, 42 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Manalangin na ang natuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Ihanda ang sarili kung ang matutuklasan ay magbibigay ng hina­nakit at sakit ng loob. Lahat ng suliranin ay may katapat na lunas na minsan ay nasa harapan na ito, ngunit hindi nakikita dahil sa kalituhan ng isip. Huwag malito. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 13, 31 at tangerine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with