^

Kutob

Hunyo 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang hindi magagawa ang Maykapal para sa akin. Sa lalong madaling panahon, bayad ang bahay at lupa ko; at ang iba pang bayarin ay maaayos.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang madalas mong reklamo ay magbibigay ng demirito sa tungkulin. Kung may reklamo tungkol sa trabaho, direktang sabihin sa nakakataas o idaan sa “black and white” upang maging legal ang basehan. Tiyakin na may matibay na dahilan kung bakit nagrereklamo para hindi makapalag ang inirereklamo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 30, 40, at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang magkabilang panig. Magdalawang-isip ka kung may tutol sa iyong pakikipagrelasyon dahil kung magkakatuluyan ang hangad na grasya sa pagsasama ay magi­ging disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 35, 37 at sky blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali upang maituwid kaagad nang hindi lumala. Kung may napuna kang parang nilalayuan ng ilang ka­ibigan, tiyak may hindi gustong bagay sa iyo. Alamin at ituwid ito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 40, 41 at neon green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung may ka­tungkulan at alam na may pagkakamaling nagawa ang nasasakupan, huwag matakot na komprontahin o bigyan ng leksyon upang maging tapat sa tungkulin. Trabaho lamang ‘to at walang personalan. Kahit anak at sino pa man, huwag kunsintihin kung may maling nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 21, 22, 40, 42 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung may pa­ngako, huwag kalimutang tawagan at humingi ng dispensa, bata man o matanda upang hindi masira ang pagkatao dahil may dahilan na hindi matutupad. Pangalagaan ang reputasyon dahil ito ang tanging yaman na higit pa sa isang kilong ginto. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 36, 40 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang daliri ng kamay kailan man ay hindi pantay. Kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Iwasan ang palaging binibigkas na katagang bobo o boba dahil kung may pinag-aralan ang napagsabihan, malamang siya ang makapagsabi sa’yo nito. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masakit man ang mga katagang iyong maririnig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang leksyon ang nagawa na hindi na mauulit kailan man. May mga pagkakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 33, 34 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag ibigay o tikman ang pinakabawal na wala sa tamang panahon. Dahil magsisisi. Sa mga may pananagutan sa buhay, malamang matuklasan ang sagrado na bawal gawin sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 41 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may ne­gosyo, magsisimulang umunlad. Kung buy and sell ito, magkakaroon ng potential prospect o malamang makapagbenta o makabili ng murang bagay na malaki ang tutubuin. Kung magsisimula ng negosyo magtatagumpay. Kabaligtaran naman ang tungkol sa pag-ibig, kaya maging mahinahon at maunawain. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 35, 36 at indigo.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang maganda ay itikom ang bibig. Huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Isipin at isaloob ang nakita o narinig dahil ito ay isang magandang aral na hindi mo gagawin. Ang iyong masasaksihan ay magbibigay ng magandang aral. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 44 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Kung may itinatago, iwa­san na ikukuwento ito sa iba dahil tiyak hindi mapipi­gilan na maraming makakaalam dahil ang mapagsusumbungan ay ikukuwento ito sa iba. Magiging mapaghinala ang minamahal kaya mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 32, 33 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon sa ikakaunlad o ikakabuti ng negosyo, pinansyal o personal. Magpa­salamat dahil may kaibigan, magulang o kasamahan ang nagmamalasakit. Huwag bigyan ng masamang kahulugan ang ma­sasabi sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 33, 34 at green

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with