^

Kutob

Hunyo 19, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging may paraan sa anumang aberya. Dahil­ hindi pabaya ang Maykapal, Siya ay laging mapagkaka­tiwalaan.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung tutuusin mahusay mong magagampanan ang iyong tungkulin at malapit ka sa bossing, nang dahil dito may mga kasamahan kang putok ang butsi sa inggit. Huwag patulan ang anumang maririnig na tsismis na ipinapakalat laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 38, 44 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Maaangat mo ang sarili nang hindi tumungtong sa balikat o ulo ng kapwa. Ang anumang gagawin o nagawa sa kapwa ay siya ring gagawin sa’yo. Kung gustong umangat, sunugin ang kilay sa pag aral. Sipag at tiyaga ang kailangan. lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 21, 41 at brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung may gustong sabihin, walang dahilan na tumahimik, bubulung-bulong sa sarili o ikukwento sa iba. “This is a free country” at bawat isa ay may karapatan na bigkasin ang niloloob, maliban ang labag sa batas. Sabihin nang direkta sa kinauukulan nang walang patumpik-tumpik ang sadya o kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 30, 40 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Bagaman may alinlangan kang simulan ang naisip, ituloy dahil magtatagumpay basta hindi labag sa batas ng Diyos at tao. Kung negatibo ang isip, negatibo rin ang resulta. Kaya laging isaisip ang positibo sa lahat ng gawain. May sisisihin kang tao dahil sa kapalpakang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 39, 42 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Walang masama sa katangiang mabait at matulungin. Ngunit isang pagkakamali kung ibibigay ang tulong sa taong hindi kara­pat-dapat. Mag-ingat dahil malapit ka sa mga taong mapagsamantala, mandaraya at manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 33, 42 at white.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung magmamaneho ng sasakyan, mag-ingat sa aksidente o maka-aksidente. Kung nagtatrabaho na ang hawak ay matatalas o matutulis na bagay, lubos na pag-iingat ang gawin. Kung palaging nakaupo ang trabaho, iindahin ang sakit ng beywang at balakang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 33, 41 at violet.

SAGITTARUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Gagastos ka ng ilang oras sa pagpila kung may follow-up o maga-apply ng trabaho. Kung medyo may sikat na ang araw, lumakad ng maaga. Maraming aberyang mangyayari kung may lalakarin, kaya hangga’t maaari ipagpaliban. Kung ang lakad ay importante, tumulak bago sumikat ang araw. Lucky numbers at color fdor the day ay 7, 19, 26 27 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) –  May kinakasabikan kang makita o resulta nang pinapagawang trabaho. Huwag masiphayo dahil may kapalpakan ang inaasam-asam. Sadyang ganun, nilalayo ka lamang ng iyong “guardian angel” sa hindi magandang mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 15, 44 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)  –  Ang iyong naka­hiligan ay hindi tugma sa iyong kalusugan at dapat baguhin. Kung ang hilig ay oily foods o junk foods bawasan o putulin. Kung ang hilig ay sobrang tamis at alat, bawasan. Kung hilig ang sobrang paninigarilyo at sobrang inom ng alak, panahon na upang putulin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 19, 34 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Bibigay ang kalu­sugan kung kulang sa pagpapahinga. Gulay at prutas ang kailangan. Kung sobra ang timbang, diet at eher­sisyo ang kailangan. Sarili ang magdusa kung hindi pairalin ang disiplina tungkol sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 24, 36 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)  Usisain mo ngayon ang iyong sarili kung tama o mali ang iyong ginagawa. Ang buhay ay hiram lamang na kahit anong oras ay maaaring­ bawiin ng Maykapal. Tanging ikaw lamang ang makakasagot sa sariling katanungan. Ang mahalaga ay hindi pinapabayaan ang responsibilidad at maligaya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 24, 40 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maaaring hindi nila na­ki­kita ang kagandahan at kabutihan ng iyong pagkatao. Ang mahalaga ay harapin ang mga pagsubok sa buhay. Wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba basta’t tiyak mo na wala kang ginawang labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 25, 35 at maroon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with