^

Kutob

Hunyo 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging higit na mabuti ang kalooban ng Maykapal. Hindi ko man nakamit ang plano ko, magtitiwala ako sa plano Niya para sa akin.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Huwag gaanong  pahatak sa paglalayag ng isip tungkol sa problema. Mahalaga ang kumilos samantalang hinahanapan ng tamang solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 28, 30 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  May makabuluhang bagay ang magaganap sa iyo ngayon. Malamang sa iyong bagong anyo, sa pagbibihis o pagbabago ng ugaling hindi kanais-nais ay makakakuha ng atensyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 32, 38 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag maniwala sa kutob o hinala dahil malamang magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensya dahil ito ang katotohanan. Huwag maniwala sa tsismis baka may naninira lamang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 29, 33, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Masayahin ka na makipag­halubilo sa labas ngunit ngayon iiwasan mo ito. Mag-ingat, magmasid at maging alerto sa paligid. Lucky numbers at clor for the day ay 5, 7, 36, 39 at color aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Madali kang mahulog pagdating sa usapang pag-ibig. Mabilis ka ring makatayo kapag nadapa sa gitna ng nabigong relasyon. Kung liligawan o manliligaw ka ngayon, tiyakin na handa ka nang magpatali dahil hindi ka na makakawala. Lucky numbers at color for the day ay 6, 26, 31, 36 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Buong tatag mong mahaharap kung papaano mo gagawin ang pagkontrol sa iyong buhay at sa gagawing mga desisyon. Subalit ang masusing pag-aaral ay huwag kalimutan. Ang kalimitan sa biglaang desisyon ay pinagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37, at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung naging magulo ang iyong isip, ang magandang gawin ay umupo muna at magplano kung ano ang unang dapat gawin. Magplano bago magsimula ng kahit anong bagay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 17, 24 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Sa halip na magsisi o manghinayang, magpasalamat na hindi matutuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta ito nang hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Dahil magulo ang iyong isip at sa pakiwari na nasa nagkrus na daan ka at hindi alam ang direksyon ng tamang puntahan, makakabuting komunsulta sa higit na nakakaalam o sa psychic upang magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 14, 41 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Busilak sa halimuyak at ganda ang iyong araw. Walang magiging hadlang sa anumang binabalak at gagawin. Magaan ang pakiramdam at maaliwalas ang bawat sulok ng kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa labis na pag-iisip ng kaunlaran, kailangan mo ng “outlet” upang hindi gaanong maapektuhan ang kalusugan. Pahinga ang kailangan upang manumbalik ang sigla. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 34, 41 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maaaring bangungot ka sa maliit na teritoryong ginagalawan mula tahanan hanggang trabaho at pabalik. Ngayon ang magandang pagkakataon para magbakasyon. Maisasakatuparan ang binabalak kung gugustuhin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 21, 42 at brown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with