^

Kutob

Hunyo 17, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ay magbabago, pero hindi ang Maykapal na lumikha ng mundo. Tapat siya ay maaasahan magpakailan man.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang matino at tamang desisyon sa pag-iingat ng pera ay iyong kailangan upang hindi kapusin. Husayan ang pagba-budget sa mga gastusin. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na hindi gaanong kailangan. May darating na pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Lucky numbers at color for the dasy ay 7, 27, 29, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi makukuha sa pagdarasal lamang ang nais kung hindi magbabanat ng buto. Kung gustong umangat ang antas ng buhay, simulan ang pagsisikap, pagtitiyaga at panalangin. Ang namamahay na pagkatamad ay mabilis na maiwawaksi kung taus-puso ang hangarin sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 33, 40, 41 at neon green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ehersisyo, tamang diyeta at disiplina sa sarili ang kailangan para mapanatili ang kalusugan. Kung matamlay o hindi maganda ang pakiramdam, huwag hayaang hindi makapagpacheck-up para hindi lumala. Kalusugan ang puhunan sa pagbuno ng pang-araw-araw na hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 32, 33 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung hangad na mapangalagaan ang kapakanan, alamin at pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot o mag-desisyon. Huwag maging marahas. Praktikal na paraan ang gamitin kung gustong maging tama ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 39, 40, 43 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang kaganapan sa paligid ay maaaring makaistorbo sa mahalagang iniisip o trabaho. Huminto sa ginagawa at bigyan ng kaunting panahon ang nasa paligid, dahil malamang ang sagot ng problema ay mula sa paligid. Ang positibong pakikitungo sa iba ay may sagot sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 41 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Gamitin ang praktikal na paraan at hindi panay puso kung tungkol sa pag-ibig ang problema. “Love will jump out the window if poverty  knocks at the door.” Kung nagkakaroon ng tampuhan ang magkasintahan, siguro panahon na upang pag-isipan ito ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 36, 38 at jade green. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Malaki ang iyong magiging impluwensya at kakayahan sa komunikasyon.  May pagkakataon kang maibahagi ang iyong magandang plano o saloobin sa iba. Maaari kang makapagbigay ng magandang suhestiyon o mungkahi sa mahalagang isyu. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 36, 42 at bold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Upang mapanindigan ang sariling kapakanan, kailangan na maging matapang at matatag sa pagpapahayag ng sariling panig. Kung inaakalang may katuwiran, ipahayag at huwag tumahimik. Hindi nakababawas ng pagkatao kapag humingi ng dispensa kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Sumunod ka sa agos ng mga kasamahan kung ayaw mong magkaroon ng kaaway. Kahit labag sa kalooban, sundin ang gusto ng magulang dahil hangad nila ang iyong kabutihan. Magsisisi ka kung ang iyong gusto ang iyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 39, 40 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maaaring maganda ang pakiramdam sa hangaring makakawala sa impluwensya ng nakakairitang tao, subalit magiging kumplikado ang sitwasyon. Ang pinakamainam mong gawin ay ituloy ang planong matagal mo nang itinakda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 23, 40 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang nagawa o gagawin sa iyo ay hindi kataka-taka. Dahil salamin lamang ito ng iyong pagkatao. Ang kabutihan ay may ganting kabutihan at ang kasamaan ay may balik na kasamaan. Kung saan ka napabilang, ikaw lamang ang nakakaalam. Panahon ngayon nang pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 20, 30, 39, 42 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung may pananaw sa kinabukasan, tutukan ang pag-aaral at pag-angat ng edukasyon. Walang makukuha sa pansamantalang mga barkada o kaibigan dahil iiwanan ka ng mga taong ito sa sandaling maghirap ka. Huwag padala sa pansamantalang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 30, 40 at blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with