^

Kutob

Hunyo 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging may pag-asa sa bawat umaga. Nakakaranas man nang kakapusan, nananalig akong mairaraos ang lahat sa buong school year.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Aminin at tanggapin ang pagkakamali. Upang manatili ang magandang samahan sa pamilya, tulungan at gabayan ang kaanak sa pangangailangan o may problemang kailangan masolusyunan. Maging bukas sa pagtanggap kung ano ang pagkukulang ng bawat isa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 32, 40 at orange.

CANCER (Hunyo 2-Hulyo 22) – Baguhin ang uga­ling tsismosa, daldalera, matapobre at mapagmataas dahil marami ang hindi na natutuwa sa iyo. Baguhin ang pamamaraan sa pamamalakad ng negosyo. Panahon na nang pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 32, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasan ang usaping pera upang hindi humantong sa ‘di pagkakaunawaan. Iwasan ang bawal na pag-ibig. Huwag hayaang kumatok ang selos sa pinto kung nais maging maligaya ang pagsasama. May pagkakataong matutuklasan ang isang lihim na taglay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 30, 42 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung may lalagdaang papeles o dokumento, pag-aralan itong mabuti bago pumalaot. Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo o pagkakakitaan, ito ay inaayunan ng panahon subalit kung ang pakay ay paglilibang, dapat itong ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 28, 45 at lemon green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Inaayunan ng pagkakataon ang pagpapahinga o paglilibang. Responsibilidad ang magiging priority. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 40, 41 at cherry red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang tampuhan sa nakaraan ay magkakaroon nang solusyon. Sa samahan sa trabaho o mga kaibigan, ang magandang pag-uugali ang dapat pairalin. Magiging maunlad ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 37, 40 at pearl white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pikon ka ngayong araw kaya’t habaan ang lubid ng pasensya dahil gulo ang kahahantungan nito, kung paiiralin ang init ng ulo. Ang pagkakamali at mapait na karanasan ay gabay upang maging matuwid ang landas ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 40, 42 at apple green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magkakaroon ng mahalagang pagdedesisyunan. Huwag padala sa sulsol at kapahamakan lamang ang matatamo. Sundin ang kutob dahil angkin ang lakas ng ESP na siyang maglalagay sa tamang sitwasyon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 36 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Naaayon ang araw sa pagpaplano ng bagong estratehiya tungkol sa negosyo. Magiging sagana ang kita subalit magiging matumal sa susunod na araw. Kasaganahan sa negosyo ang tawag ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 29, 39 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May makikilala sa isang pagtitipong dadaluhan na malamang humantong sa mahabang relasyon. Ang pakikipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. May pagkakataong makatagpo ng taong makakatulong sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at lavender.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging mapusok at maapoy ang damdamin sa pag-ibig at kailangan ang pagtitimpi sa sarili upang hindi mapahamak. Sa mga dalaga, ang pag-iingat sa sarili sa larangan ng pag-ibig ay dapat isaalang-alang at mahirap na ang magsisi. Maging romantiko sa bawat sandali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 30, 36 at copper red.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang pagtulong sa kapwa sa pinansiyal o materiyal na bagay ay hindi masama, tiyakin lang kung may labis o sapat. Maging totoo at iwasan ang magmayabang. Kung kapos at kailangan mo rin, huwag mahiyang magsabi ng totoo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with